Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Eleksiyong pambarangay at Sangguniang Kabataan matutuloy ba sa Okt 2017?

NANGANGALAMPAG na naman ang Commission on Elections (COMELEC).

Marami na raw kasing nagtatanong sa kanila kung matutuloy ba ang eleksiyong pambarangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) sa darating na Oktubre.

Kung hindi raw kasi matutuloy, dapat umanong ideklara na dahil ang pag-iimprenta nila ng 78 milyong balota (57 milyon sa barangay at 21 milyon para sa SK) sisimulan sa 20 Hulyo 2017.

Ang siste, mapag-uusapan pa lamang ang nasabing usapin ng Kamara pagkatapos ng pagbubukas ng 17th Congress sa 24 Hulyo.

031916 comelec andres bautista

Habang ang Senado naman daw sa Agosto pa naka-calendar ang nasabing usapin.

Kaya parang hilong talilong ang Comelec ngayon dahil hindi raw nila alam kung itutuloy nila ang paghahanda o hindi.

Kasi raw kapag hindi na naman natuloy ang eleksiyon, sayang ang gastos sa paghahandang ginawa nila.

Ang isang bentaha umano sa maagang paghahanda sa BSKE, manual ang kondukta ng eleksiyon at hindi machine operated.

Iyon naman pala Chairman Andres Bautista, alam naman pala ninyo na kahit mag-imprenta kayo ‘e hinid masasayang.

Ang nakatatakot lang diyan, baka biglang magkaroon ng puslit na balota. Huwag sanang maulit ‘yung kaso ng sobrang imprenta ng ci-garette ‘tax stamp’ diyan sa pag-iimprenta ng balota

‘Di ba, Chairman Bautista?!

Droga sa Bilibid namamayagpag na naman

DROGA SA BILIBID
NAMAMAYAGPAG
NA NAMAN

093016-nbp-bilibid

Cycle.

Parang ganyan lang ang nangyayari sa National Bilibid Prison (NBP) kung totoo ang ulat na bumalik na naman ang talamak na operas-yon ng ilegal na droga sa loob.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kailangan umanong palitan na muli ang mga operatiba ng Special Action Force (SAF) sa loob dahil nagkakaroon na ng familiarity.

Parang gustong sabihin ni Secretary Aguirre, magpapaulit-ulit lang ang operasyon ng ilegal na droga sa Bilibid.

At ang solusyon lang umano ay palitan nang palitan ang mga nagbabantay.

Kung seryoso ang pamahalaan na solusyonan ang talamak na problema sa droga, mas makabubuti na ilipat na sa isang bagong gusali at bagong lugar ang NBP at tuluyang gibain ang luma.

Alam nating malaking budget ang kailangan para rito, pero nakasisiguro tayo na isa ‘yan sa matinong solusyon para mapilay kung hindi man tuluyang matigil ang operasyon ng ilegal na droga.

‘Di ba, Secretary Aguirre?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *