HAPPY ang Kapuso teen actor na si Migo Adecer sa magandang itinatakbo ng kanyang career sa Kapuso Network dahil sunod-sunod ang magagandang proyektong ibinibigay sa kanya.
After magwagi bilang Male Survivor ng Startstruck, napasama kaagad siya sa Encantadia at ngayon ay sa My Love From The Star bilang si Yuan, ang nakababatang kapatid ni Stefi na ginagampanan ni Jennylyn Mercado.
Kaya naman with or without loveteam ay ayos lang kay Migo as long as may trabaho siya. Kahit nga sino ang ipareha sa kanya ay okey lang din sa kanya.
Aniya nang makausap namin siya sa aming radio program sa DZBB 594Walang Siyesta nang mag-promote ito ng My Love From The Star,”Well for me po, I’m more focus on work, so whatever is given to me, roon po ako magpo-focus.
“So kahit mayroon akong ka-love team or kahit wala akong love team as long as may work ako happy na ko.”
May gusto ka bang maging permanent na ka-loveteam? ”Actually, I’ve been thinking about that lately na kung sino-sino ba ‘yung mag-click ako sa GMA pero nothing comes to my mind, so meaning to say na kahit sino okey lang.
“I told GMA before na whoever they gave me okey lang sa akin, okey din naman kasi na solo ako kasi I will be able to show na with or without loveteam kaya ko.”
Pero ikaw naniniwala ka ba sa power ng love team tulad ng KathNiel, JaDine, o LizQuen?
“Yes, kasi iba ‘yung dating sa mga tao if you have your own permanent loveteam and nag-click sa mga tao, magkakatulungan kayo para mas mag-click pa ‘yung loveteam niyo.
“And your career can shoot you up, everybody kasi is so infatuated with the word love. You know, it is something that humans can’t even live without. So when people of the network put something like love on teleserye, mas madaling mag-click ‘yun,” pagtatapos nito.
MATABIL – John Fontanilla