Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, nagsasawa at naiinis na sa mga bastos sa social media

PATI si Liza Soberano, very vocal na ngayon na nagsasawa na siya at walang dudang naiinis din sa mga basher ng mga artista sa social media. Sinasabi nga niya, masyadong maraming bastos sa social media. Marami ring nakikialam sa mga personal nilang buhay sa social media.

Noong araw, panay ang sabi nila na masyado silang pinakikialaman at sinisiraan ng press, kaya noong magkaroon ng social media, lahat sila nagsiksikan doon sa paniniwalang doon kaya nilang ipangtanggol ang kanilang sarili. Hindi kagaya sa lehitimong media na sinasabi nila noong araw na ”wala kaming kalaban-laban”.

Pero isang bagay ang hindi nila naisip. Maaari nga silang makipagbakbakan sa social media pero kaya ba nilang harapin ang kabastusan ng ilang undesirable elements na nasa social media rin? Hindi nila naisip na mas matindi ang blogs ng mga naninira sa kanila kaysa kanila mismo. Ang nagbabasa sa kanila iyon lang fans nila. Ang nagbabasa sa mga naninira sa kanila iyong mas marami.

At hindi iyan parehas. Hindi kagaya sa lehitimong media na may karapatan silang sumagot on equal footing. Ang sinumang kritiko nila ay may katungkulang ilabas din ang kanilang panig. Sa social media walang ganyan. Bastusan lang talaga.

Nakunsumi na nga si Soberano, at palagay namin kahit na lumunok siya ng bato at sumigaw ng Darna, hindi pa rin niya mapipigil ang mga basher na iyan. Tingnan ninyo si Maine Mendoza, noong mapikon, inalis na lang niya ang kanyang social media account. Iyong iba naman, ginagawa na lamang private ang kanilang account.

Basta inilantad mo ang sarili mo sa social media, para ka na iyong mga bakla na binabato ng bola sa mga peryahan noong araw, na basta nasapol ka hulog ka pa sa tubig.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …