HINDI lang identity thief sa social media ang pananagutin ng batas ngayon.
Pati identity fraud o mga pekeng account sa social media ay nais nang parusahan ng mga mambabatas sa ilalim ng isang batas.
Sa kasalukuyan, isinusulong sa House of Representatives ni Rep. Win Gatchalian ang House Bill 5575 na naglalayong panagutin ang mga taong gumagamit ng pekeng account sa social media at ginagamit sa iba’t ibang paraan kabilang ang panloloko, paninira at iba pa.
Sa panahon na marami nang peke at bihirang-bihirang makatagpo ng genuine, mukhang kailangan na talaga nang ganyang batas.

Mantakin ninyo, noong araw ang napepeke lang signature. Pekeng jeans, pekeng shoes, pekeng logo, pekeng alahas hanggang maging ang bigas peke na rin ngayon!?
Pero ang lagi po ninyong tatandaan, ang pinaka-dangerous at pag-ingatan ninyo ang mga pekeng kaibigan!
Diyan, tiyak katakot-takot na kapahamakan ang aabutin ninyo. Mga pekeng kaibigan na gagamitin lang kayo para makaabante. Kasunod niyan, sisiraan at tatapakan na kayo. Matapos mo silang tulungan ay parang halimaw na sasagpangin ka na! Tunay lang silang gamol hindi tunay na kaibigan.
Kaya kayong mga ‘peke’ sa facebook kaiingat na kayo dahil malapit na kayong managot sa batas.
Ibasura at parusahan ang mga peke!
JUSTICE SECRETARY
VITALIANO AGUIRRE
KINASAHAN NA
NI SEN. PING LACSON

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com