Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Soberano patuloy na dinadagsa ng blessings

TULOY-TULOY ang pagdating ng blessings kay Liza Soberano. Bukod sa pagkakapili sa kanya bilang Darna para sa pelikula, kamakailan ay ini-launch ang magandang talent ni katotong Ogie Diaz bilang endorser ng MegaPro Plus Videoke system na itinatag ni Mr. Kim SungBok at ng business partners niyang sina Mr. Jacinto Co at Mr. Andy Co.

Ayon kay Liza, masaya siya sa kanyang bagong endorsement.

Saad ng Kapamilya aktres, ”I’m really very happy to be endorsing a karaoke brand because I actually am very passionate about singing and I want to share that passion with my fans and other people who will be able to see this new brand and I want them to become confident as well. You know, just to have fun and sing along with the karaoke. It’s not necessary naman that you’re a professional singer to be singing, anybody can sing.”

Inusisa rin si Liza kung ano ang naging reaction niya nang ianunsiyong siya na ang Darna. “Well, of course, I’m happy. At first, when they announced na ako iyong magda-Darna, I was very overwhelmed.

“And of course, there are some good opinions, there are some who don’t agree. But, you know, I have to respect everybody’s mind,” aniya.

Ngayon ay abala si Liza sa paghahanda para sa papel na Darna. Kaya lagi siyang tumatakbo at naggi-gym. Bukod sa pag-aaral niya ng dance classes para sa grace and timing sa pagsabak niya sa action scenes sa naturang pelikulang pamamahalaan ni Direk Erik Matti.

“You have to look strong, you have to make it look believable.”

Ano ang pinakamahirap na challenge sa pagiging Darna niya?

Sagot ni Liza, “Iyong magi-ging difficult sa akin iyong timing pagdating sa stunts. Kasi iyon talaga, you have to look strong, but not be too strong because you don’t wanna hurt the person you’re doing a scene with when doing stunts. I’m not actually going to hurt them.”

Nabanggit ng aktres na gusto niyang siya mismo ang gumawa ng stunts sa Darna, huwag lang daw malalagay sa peligro ang kanyang safety.

“As much as possible, I want to do all the stunts para mas madali rin sa director and cameraman. But if it becomes too life-threatening, of course, I’m going to have someone do that for me. I don’t wanna risk my life naman,” nakangiting esplika ni Liza.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …