Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Mayor Gatchalian at ang amoy ng CDO

 

HINDI natin alam kung bakit pinababayaan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pa-tuloy na pag-alingasaw ng mabahong amoy na nanggagaling sa pabrika ng CDO.

Ang CDO, manufacturer ng meat and fish product ay matatagpuan sa West Service Road, Barangay Paso de Blas, Valenzuela City.

Halos araw-araw, prehuwisyo ang idinudulot sa mga residenteng malapit sa CDO dahil sa mabahong amoy na ibinubuga ng nasabing pabrika. Matagal nang nagtitiis ang mga residente rito, pero bakit walang aksiyon si Mayor Gatchalian?

Kaibigan ba ni Mayor Gatchalian ang may-ari ng CDO? O, campaign contributor ba niya ito noong nakaraang eleksiyon?

Ang CDO ang itinuturo ng mga residente sa barangay Paso de Blas at Parada na pinagmumulan ng mabahong amoy galing sa kanilang mga nabulok na produkto.

Sana naman, unahin ni Mayor Gatchalian ang kapakanan ng kanyang constituents dahil baka dumating ang panahong marami na ang magkasakit na mga residente sa paligid ng CDO. Dapat iniisip ni Mayor Gatchalian na kabilang ang mga residenteng nakapaligid sa CDO ang naghalal sa kanya kaya siya naging alkalde ng Valenzuela City.

Malinaw na may paglabag sa batas ang pag-alingasaw ng baho na nanggagaling sa CDO. Ayon pa sa impormante ng Sipat, ang nasabing mabahong amoy ay galing sa expired products ng CDO na kinuha mula sa mga binagsakang outlets nito sa Kamaynilaan.

Halos isang container daw ang dami ng expired products na ibinabagsak sa CDO at aabutin pa umano nang isang linggo bago alisin at ilipat sa kung saang lugar na hindi na tinukoy ng impormante.

Pati ang tricycle drivers sa barangay Paso de Blas ay itinuturong sa CDO nga galing ang mabahong amoy at maging ang estero o creek na dinadaluyan ng tubig sa Fortune Village 5 ay nagkukulay kape na dahil na rin umano sa katas ng bulok na karne na nanggagaling sa CDO.

Kung ganito na kalala ang sitwasyon sa paligid ng CDO, dapat sigurong kumilos si Mayor Gatchalian at umpisahang imbestigahan ang nasabing pabrika bago magdulot nang matin-ding kapahamakan sa mga residente na naninirahan sa paligid ng pabrika.

Walang silbi ang Health o Sanitary office ng Valenzuela city kaya mismong si Mayor Gat-chalian na ang dapat kumilos para imbestigahan ang sinasabing mabahong amoy na nagmumula sa CDO factory.

Mayor Gatchalian, kumilos naman po tayo!

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *