Saturday , November 23 2024

Panginip mo, Interpret ko: Bahay laging binabaha

Gd am Sir,

HINDI ba masama ung bahay m0 mabahaan ng tubig 0 kaya lagi na lang nababahaan?

(09464206844)

To 09464206844,

Ang panaginip ukol sa bahay ay nagsasaad ng iyong sarili at ng iyong kaluluwa. Ang mga specific na bahagi o kuwarto ng bahay ay nagpapakita ng specific aspect of your psyche.

Sa pangkalahatan, ang attic ay nagre-represent ng iyong talino, ang basement naman ay nagre-represent ng unconscious side mo, etc.

Kung ang bahay ay walang laman, ito ay nagpapakita ng feelings of insecurity, kung ito naman ay nagbabago, may kaugnayan ito sa mga personal na pagbabagong iyong pinagdaraanan o pagdaraanan pa lamang, pati na ng pagbabago ng iyong belief system.

Kung ikaw naman ay nakulong sa bahay, ito ay may kaugnayan sa rejection at insecurity. Pakiwari mo, ikaw ay napag-iiwanan o iniwanan ng iba.

Kung lumang bahay ang napanaginipan mo, ito ay nagsasaad ng iyong old beliefs, attitudes at kung paano ka mag-isip o makadama.

Alternatively, ang lumang bahay ay maaaring simbolo ng pangangailangan mong i-update ang iyong mode of thinking.

Sakali namang nakita sa panaginip na nasira o may damage ang bahay, indikasyon ito ng iyong pag-aalala sa kalagayan at kondisyon ng inyong tahanan sa estadong ikaw ay gising o sa totoong sitwasyon.

Ang baha sa bungang-tulog mo ay posibleng nagre-represent ng pangangailangan upang mai-release ang ilang sexual desires.

Kung ang baha ay nagngangalit, ito ay may kaugnayan sa emotional issues at tensions. Mas nadadala o natatalo ka ng iyong repressed emotions kaya dapat ikonsidera ang direksiyon ng baha para sa mga karagdagang clues kung saan o bakit ka nakararanas ng stress at tension.

Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin namang nagpapahayag na nao-overwhelm sa iyo ang ibang tao dahil sa pagiging demanding mo at bunsod ng iyong strong opinion.

Isa pang interpretasyon ang paghahangad na mabura ang mga nakaraang hindi naging maganda upang ikaw ay makapagsimula ulit sa magandang paraan.

Kung banayad naman ang baha, ito ay maa-aring senyales na ang iyong mga agam-agam sa buhay ay matatangay na ng baha o matatapos na. Posiblen rin na kaya ka nanaginip nang ganyan ay dahil naiinis ka sa baha dahil napuputikan ka o prehuwisyo sa inyo ang baha.

Maaaring ito ay dahil sa mga bagyo at kalamidad na nangyayari sa kapaligiran, kaya naging trigger ito para maging ganyan ang tema ng iyong panaginip.

Ang panaginip na tubig ay sagisag ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay living essence of the psyche at ang daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung ang tubig ay calm at clear, ito ay nagsasaad na ikaw ay nasa maayos na spirituality.

Nagpapakita ito ng serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi ang tubig, nagpapakita ito na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong mga nega-tibong emosyon. Maaaring paalala rin ito sa iyo upang maglaan ng oras para sa sarili upang malinawan ang pag-iisip at matagpuan ang internal peace.

Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita rin na ang iyong pag-iisip at desisyon ay unclear at clouded.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *