Sunday , November 24 2024

Baby Go, inilunsad ang magazine na pang-showbiz at para sa mga OFW

TULOY-TULOY sa pag-hataw si Ms. Baby Go dahil bukod sa pagprodyus ng mga makabuluhang pelikula, inilunsad recently ang kanyang BG Showbiz Plus, ang kauna-una-hang publication sa bansa na dedicated sa independent film industry at sa mga OFW. Kilala sa pagiging mabait, very supportive at may mga adbokasiya si Ms Baby.

Si Maridol Bismark ang editor in chief ng BG Showbiz PLus, si Robert Requintina ang Associate Editor, at VP ng publication si Ms. Jean Go Marasigan. Mabibili ang magazine simula July sa halagang P100 sa National  Book Store, 7-11  at  ilang spa and salon.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Ms. Baby ang Child Haus, ukol sa mga batang may cancer. Ang pelikulang ito mula sa direksiyon ni Louie Ignacio ay nanalo bilang Best Children Film sa 14th Dhaka International Film Festival.

Kabilang din sa nagawa ng kanyang movie outfit ang Ang Iadya Mo Kami ni Allen Dizon. Ito ay tungkol sa buhay ng pari na nagkaroon ng anak. Nagwagi ito sa Silk Road Festival sa Ireland ng Best Actor Award para kay Allen Dizon.

Ang pelikulang Area naman na pinagbibidahan nina Ai-Ai de las Alas at Allen ay ukol sa mga laos na prostitute. Maraming awards na rin ang hinakot ng Area. Kabilang ang parangal sa 2017 ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) sa Malaysia. Nagwagi rito ang Area ng Best Actress para kay Ai-Ai at Best Director, Louie Ignacio; at Best Supporting Actress, Ana Capri para sa Laut.

Incidentally, ang Area ay mapapanood simula ngayon-June 9 sa Cine Lokal. Isang linggo itong mapapanood sa walong SM Cinema: Mall Of Asia, Megamall, North Edsa, Fairview, Southmall, Bacoor, Iloilo at Cebu sa halagang Php120 lang. Ang Cine Lokal ang isa sa project ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Seguerra at ng SM Cinema

Noong Abril 25, tumanggap din si Ms. Baby ng tatlong special awards sa 15th Gawad Tanglaw. Nakamit niya ang Presidential Jury Award for Best Film para sa pelikulang Area, Presidential Jury Award-Student’s Choice Award for Best Film para sa Laut, at Presidential Jury Prize for Best Children’s Film, Child Haus. Last April 25, pinara-ngalan din siya para sa pelikulang Iadya Mo Kami bilang isa sa Pinakapasadong Pelikula ng Taon sa 19th Gawad Pasado. Ang iba pang nakuhang parangal ng pelikulang ito ni Ms. Baby ay para kay Allen Dizon, Pinakapasadong Aktor; Aiko Melendez, Pinakapasadong Katuwang na Aktres; at Mycko David, Pinakapasadong Sinematograpiya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *