Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz, itinangging ginapang niya si Liza Soberano para maging Darna

TAPOS na ang espekulasyon kung sino ang bagong Darna. Si Liza Soberano na ang bagong Darna at lulunok ng mahiwagang bato! Pero ang kabuntot naman ng balitang ito ay ang pang-iintriga sa manager ng magandang aktres na si katotong Ogie Diaz.

Magkahalong biro at sarcasm naman ang naging tugon ni Ogie sa mga nang-iintriga sa kanya via his Facebook account.

“Ginapang ko daw yung Darna para mapunta kay Liza Soberano.

“Sorry po, hindi naman ako ganun ka-powerful para manggapang ng project para sa alaga ko.

“Eh, kung nakuha lang pala sa gapangan yang Darna eh di sana, nabalitaan nyo na rin na ako ang gaganap na Ding.”

Bago ang intrigang ito, sa aming pakikipag-chat kay Ogie ay ipinahayag niya ang sobrang kagalakan sa pagkakapili kay Liza bilang Darna.

Wika ni Ogie, “I’m so happy na finally, in-announce na ang gaganap na Darna. At isang challenge ito kay Liza Soberano.”

Dagdag pa ng komedyanteng napapanood sa Home Sweetie Home tuwing Sabado ng gabi, “Sobrang happy ang bagets dahil alam niyang gustong-gusto rin siya ng dating gumanap na Darna na si Angel Locsin. Sa katunayan, binigyan siya ng Darna komiks ni Angel para magkaroon siya ng idea.”

Kung may mga mangilan-ngilan mang bitter sa pagkakapili kay Liza bilang Darna, mas marami naman ang natutuwa at naniniwalang bagay na bagay maging Darna si Liza!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …