Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Digong dapat mag-ingat sa tactical alliance sa mga armadong grupo

KUNG inaakala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tutulungan siya ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pakikipaglaban sa teroristang Maute group at Abu Sayyaf para tuluyang magapi ito, nagkakamali siya.

Ang panawagan ni Digong sa MNLF at MILF na sumanib sa AFP para pulbusin ang Maute group ay maituturing na ‘suntok sa buwan.’ Hindi ito seseryosohin ng dalawang malalaking grupong Moro para labanan ang kanilang mga kapatid na Muslim.

Bagamat sinasabing terorista ang Maute at Abu Sayyaf at may kaugnayan na sa ISIS, dapat malaman ni Digong na ang ugat ng pagrerebelde nila ay dahil na rin sa mahabang panahong pagmamalabis at pagsasamantala ng mga Kristiyano at mayayamang indibidwal na iniluwal ng kolonyalismo.

Kung tutuusin, maituturing ding mga makabayan ang Maute group, lamang ang pamamaraan o taktika sa pakikipagdigma ay malaking prehuwisyo o mapaminsala sa mga kapataid din nilang Muslim.

At kung “terrorist act” man ang ginagawang pamamaraan ng pakikipagdigma ng Maute at Abu Sayyaf, hindi maiaalis na ang ultimate objective ng grupong ito ay mapalayas ang mga Kristiyano sa kanilang bayan.

Ang ibig sabihin, pabor sa mga sibilyang Muslim kung magtatagumpay ang pakikipagdigma ng mga nasabing grupo na tinaguriang mga terorista laban sa tropa ng pamahalaan.

Kaya nga, kailangang maghinay-hinay si Digong sa panawagang makiisa ang MILF at MNLF sa mga sundalo ng AFP para tuluyang sugpuin ang Maute at Abu Sayyaf.  Hindi nakasisiguro si Digong kung lalahok man ang MILF at MNLF, ay tunay at seryoso ang kanilang gaga-wing pakikiisa sa gobyerno.

Maaaring tactical move lamang ang gagawin ng MILF at MNLF kung tutulungan nila si Digong.  Kailangan lamang na makakuha ng magandang konsesyon ang dalawang Moro group para higit na maisulong ang interes na kanilang ipinaglalaban.

Naniniwala tayong hindi seryosong tutulong ang MILF at MNLF sa administrasyon ni Digong para tuluyang maubos ang Maute group at Abu Sayyaf. Kapwa kapatid na Muslim nila ang mga grupong ‘yan at may pinaniniwalaang prinsipyo kaya nakikipaglaban sa pamahalaan.

Pero lalong mag-ingat si Digong sa mga Komunistang NPA.  Ito ang grupong hindi dapat pinagkakatiwalaan.  Walang Diyos ang mga taong ‘yan, at tanging ang kanilang isinusulong ay interes ng kanilang samahan.

Traydor ang grupong komunistang NPA, at tiyak na magtatraydor lamang sila sa anumang mapagkakasunduang laban sa Maute group. Hindi dapat nakikipagmabutihan sa komunistang NPA, at mabuting pulbusin na lamang ni Digong.

SIPAT – Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …