Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, bilib sa galing ng BeauteDerm soap

SOBRANG happy ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na sa edad niyang 46 at 27 years sa showbiz, ngayon lang dumating ang first ever endorsement niya.

“Actually, hindi ako makapaniwala na at the age of 46 nakuha ko ito. Noong kinausap ako ni Rei, sinabihan niya ako about sa pag-endorso nito, wala akong masabi, speechless, nakatawa lang po ako, lumulutang lang. Sabi ko nga, wala talaga sa edad iyan, basta kapag ginusto ng Diyos ay mangyayari at mangyayari. Kaya panay ang pasalamat ko sa Itaas,” pahayag ng bida sa nagtapos na seryeng The Greatest Love.

Ang tinutukoy ni Ms. Sylvia ay ang pagiging endorser niya ng BeauteDerm soap. Ayon pa sa kanya, talagang effective ang produktong ito ni Ms. Rei Ramos Anicoche Tan, Chief Executive Officer/owner ng BeauteDerm. “Aminado ako, hindi ako nagsasabon sa mukha ko. Never akong nagsasabon. Dumating nga si Rei, in-introduce niya ‘yung papaya at orange na soap, nagustuhan ko. Okay naman sa akin kasi hindi ako nagsasabon dahil sensitive ako lalo na ang mukha ko. Ang bilis mag-react! Pero sa BeauteDerm soap, hindi nagre-react kaya ko siya nagustuhan.

“Mahirap din kasi na tatanggap ka nang ine-endorse mo, tapos hindi ka naniniwala.

Kapag inendorso mo ang isang bagay, dapat yayakapin mo iyon, dapat mamahalin mo. Iyon ang ginawa ko, so sabay-sabay na lahat, pagyakap at pagmamahal sa ineendorso kong BeauteDerm,” aniya pa.

Bakit si Ms. Sylvia ang kinuhang endorser ng BeauteDerm?

Sagot ni Ms Rei, “One factor po hindi dahil sa fan lang ako, naging kaibigan ko po siya. Nagustuhan ko po ang pagiging simple niyang tao, totoo siyang tao. Prangka siya, kung ayaw ka niya, ayaw ka niya. Ganoon si Ate Sylvia at kukuha rin ng endorser, dapat na comfortable kayo sa isat isa. Siyempre dahil skincare product, maganda po ang kutis ni Ate and natural beauty po.

“Marami po talaga tagahanga si Ate na clients ko abroad. Most requested din po siya actually ng mga BeauteDerm users ko po! And luckily pumayag po talaga siya na maging endorser namin!

“Gaya po nito (FB post), kilig ang clients natin agad sa Canada. Mas lalo po dumami ang tagahangang OFW’s ni Ate Sylvia dahil sa The Greatest Love. Kaya talagang ine-expect na lalong magiging kilala at magbu-boost ang sales ng product with Ate Sylvia. With her help and sa rami ng followers niya, matutulungan nila ang BeauteDerm na makilala talaga.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …