Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Joma hindi sinusunod ng NPA

Tama lang na suspendihin ng Philippine government ang nakatakdang fifth round of talks sa National Democratic Front dahil sa ipinalabas nitong direktiba sa kanilang armadong grupo na paigtingin ang opensiba laban sa mga sundalo bilang reaksiyon sa martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Mindanao.

Paniwala ng gobyerno, hindi talaga seryoso at sinsero ang NDF sa pakikipag-usap ng kapayapaan sa pamahalaan dahil imbes makatulong sa pagresolba ng matinding kaguluhan sa Min-danao dulot ng mga teroristang grupo, ay na-kidagdag pa sila sa problema.

Ang bilis-bilis ng reaksiyon ng NDF sa martial law na idineklara ni Digong, hindi man lang inisip kung anong magiging consequences ng kanilang padalos-dalos na hakbang.

At nang pagpaliwanagan sila ng pamahalaan na ang martial law ay “principally directed at extremists and terrorists” kinilala naman ito ng pamunuan ng Communist Party of the Philippines-NDF sa pangunguna ni Joma Sison. Pero hindi iniatras ang direktiba sa NPA.

Ang problema, malabo kasi ang binitiwang direktiba ni Joma dahil hindi direktang nagbibigay kautusan sa NPA na itigil ang mga pag-atake laban sa tropa ng pamahalaan.

Malabo ang pahayag ni Joma nang sabihin niyang kanyang inirerekomenda sa pamunuan ng CPP na irekonsidera ang order sa NPA hinggil sa kanilang military offensive.

Bakit hindi depenidong sabihin ni Joma na itigil na ng NPA ang kanilang pag-atake, gayong ang bilis naman niyang naipalabas ang naunang utos na paigtingin ang pag-atake sa militar?

Kaya nga, malinaw talagang walang sumusunod kay Joma sa hanay ng mga pulang mandirigma.

Lumalabas na hindi masikmura ng NPA na sundin nila si Joma na nagpapasarap lamang sa The Netherlands.

Hindi sa pamamagitan ng “remote control” mapakikilos ni Joma ang underground movement sa Filipinas.

Kailangang naririto mismo si Joma, kasama ang mga militanteng grupong kaliwa at iba pang puwersa na patuloy na lumalaban sa estado.

Tama lang isipin ng gobyernong Digong na walang saysay na makipag-usap kay Joma dahil wala na siyang kontrol sa NPA at iba pang leftist group na hindi naniniwala sa usapang pangkapayapaan.

Kung nais ng grupo ni Joma na matuloy ang peace talks, konkretong ipakita nila na kaya nilang kontrolin ang mga NPA  na nasa kanayunan. Pero ang problema, mukhang hindi tumatalima sa mga ipinag-uutos ni Joma.

Hindi na dapat pansinin pa ang grupo ni Joma sa The Netherlands.

Malaki ang gastos na iginugugol ng pamahalaan para lamang makipag-usap sa walang kakuwenta-kuwentang grupo.

Kailangan talagang itigil na nang tuluyan ang pakikipag-usap ng gobyerno sa grupo ni Joma.

Kailangan tapusin na ng pamahalaan ang mga terorista sa Mindanao kasabay nang paglipol sa mga dogmatikong NPA at iba pang underground movement.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *