Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arjo Atayde, kinamuhian at hinangaan sa FPJ’s Ang Probinsyano

MATINDI ang mga kaganapan lately sa TV series na FPJ’s Ang Probinsyano. Umaatikabo ang mga eksenang napanood dito na mahirap talagang bitawan.

Bukod sa bida ritong si Coco Martin, ang isa pang nagmarka nang husto sa televiewers dahil sa ipinamalas niyang mahusay na performance rito ay ang numerong unong kontrabida sa buhay ni Cardo Dalisay, si Joaquin Tuazon na very effective na ginampanan ni Arjo Atayde.

Marami ang pumuri sa ipinakitang husay ni Arjo rito hanggang sa kahuli-hulihang sandali. Although kinamumuhian ng marami, hinahangaan at pinupuri rin ang galing dito ni Arjo. Patunay lang ito kung gaano ka-effective na actor si Arjo.

Sa seryeng ito ay sadyang naabot na talaga ni Arjo ang status hindi lang bilang isang magaling na kontrabida, kundi bilang isang magaling na aktor.

Anyway, sa mga nakalipas na episodes ng seryeng ito ng ABS CBN, matitinding bakbakan at intense na mga eksena ang nasaksihan ng televiewers. Lalong tumindi ito last week at nagtuloy-tuloy this week. Last Wednesday (May 24), tuluyan nang namaalam ang karakter ni Joaquin sa top rating TV series na ito ng ABS CBN at napatay na siya finally ni Cardo (Coco). Kaya naman ang mga viewers nito ay talagang tumutok at inabangan ang mga kapana-panabik na eksenang hitik sa drama at aksiyon.

As expected, sa ratings ay panalong-panalo ang Ang Probinsyano. Noong May 23, base sa datos ng Kantar Media: Nationwide-FPJ’s Ang Probinsyano-43.3% kontra Mulawin vs. Ravena-20.6%. Urban- FPJ’s Ang Probinsyano-40.6% laban sa Mulawin vs. Ravena-21.6% at sa Rural naman ay nagtala ang FPJ’s Ang Probinsyano ng 46.3% kontra sa 19.6% na rating ng Mulawin vs. Ravena.

Sa panimula ng ikalawang aklat ng FPJ’s Ang Probinsyano, bagong lipat ng tirahan ang pamil-ya nina Cardo Dalisay. Kumbaga, simula na ito ng bagong bihis ng serye at pagsulpot ng mga bagong karakter. Pero sure ako na maraming suking manonood nito ang mami-miss ang kawalanghiyaan at kasamaan ni Joaquin, aka Arjo.

After ng stint niya sa seryeng ito na pinagbibidahan ni Coco, kaabang-abang ang next project ni Arjo at kung ano’ng atake naman ang ipamamalas niya sa susunod na gagampanang papel. Hopefully, isa rin itong mapaghamong role tulad ng ginampanan ni Arjo sa Ang Probinsyano.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …