PINAPLANTSA na ang pelikulang magpapakita sa life story ni Janet Napoles. Siya ay kasalukuyang nakapiit ngayon at sinasabing mastermind ng PDAF scam.
Nakapanayam namin si Direk Roland Sanchez kahapon at ayon sa kanya, ito raw ay tatampukan ni Ms. Jaclyn Jose. Nabanggit din ni Direk Roland na kaabang-abang ang pelikulang ito.
“Jaclyn Jose liked the project so much that she even averred that her TF shouldnt be talked about anymore as she has been dying to portray the character of Napoles. Problem came when the erstwhile editor in chief of PDI, Letty Magsanoc died, ‘coz I still need her final imprimatur on the final script. Explosive ang script and napakanipis ang line na naghihiwalay between what is subjudice and what is not,” panimula ni Direk Roland na bukod sa pagiging movie director, writer and producer, ay isa ring NBI agent.
Saad pa niya, “Tapos ko na ang script niyan. Ang proponent ng movie project na iyan, private lawyer ni Benhur (Luy) and the Philippine Daily Inquirer.”
Ipinahayag pa ni Direk Roland na wala siyang ibang choice na gumanap na Napoles kundi ang Cannes Best Actress na si Ms. Jaclyn. “Wala na akong second choice, siya lang.”
Ano ang magiging title ng movie at kailan posibleng mag-start ang project?
Sagot ni Direk Roland, “I’ll try to talk to DOJ Sec. Aguirre regarding this. Kung takot ang producer, I myself will be the one to produce it. Need ko lang imprimatur ng mga boss ko sa NBI at DOJ.
“Ang possible title nito ay Deep Throat (The Untold Stories Behind The Pork Barrel Scandal). May ibig sabihin ang title na iyan, ang deep throat means, a deep penetrating agent. Ginamit ang term na ‘yan during the Watergate scandal ni Nixon.”
Si Direk Roland ay nakagawa na ng anim na pelikula. Ang latest ay ang award-winning movie na EJK na pinagbibidahan nina Mon Confiado, Felix Rocco, Leon Miguel, DJ Durano, at iba pa.
Nanalo last month ang EJK sa Founders Award for Film Excellence sa 15th Riverside International Film Festival sa California, USA. Nga-yon naman ay official entry ang EJK sa Ocean City Film Festival na gaganapin sa Art League of Ocean City, 502 94th St. Ocean City Maryland, USA mula June 8-11, 2017.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio