Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, game sumabak sa indie film kung challenging ang role

After nang highly successful na pinagbidahang TV series ni Ms Sylvia Sanchez na The Greatest Love ang inaaba-ngan naman ngayon ng kanyang avid fans ang susunod na project ng award-winning actress.

Nang nakapanayam namin si Ms. Sylvia last Monday, nabanggit niya na apat na indie projects ang pinalampas niya noon dahil sa TGL. Pero ngayong tapos na ang naturang Kapamilya TV series, may oras na siya para su-mabak sa indie.

Pahayag ng Kapamilya aktres, “Puwede, pero depende sa role. Kailangan na malayo siya sa Gloria (karakter niya sa TGL). Kasi kung nanay na naman at mapagtiis na nanay, walang bago. Parang… tsaka ang hirap i-top ng Gloria. So kung hindi ganoon ay huwag na lang,” nakangiting saad pa niya.

Dagdag ni Ms. Sylvia, “Puwede ako sa role na mamamatay tao, ‘yung killer. Iyong ginahasa or rape victim, comedy, puwede rin, ‘yung mga ganoon. Basta malayo sa role ni Gloria.”

Sino’ng gusto niyang makasama sa isang indie project? Halimbawa si Sharon Cuneta? “Sharon Cuneta, ay Diyos ko po! Oo naman! Sharon Cuneta iyon, e. Hello, idol ko iyon! So, parang dream come true iyon.

“Sina Sharon, Ate Vi (Vilma Santos)… Ate Guy… ay hindi, si Ate Guy kasi ay nakasama ko na siya sa Bituin e. Iyong dalawang iyon, sina Sharon at Ate Vi, hindi ko pa kasi nakakasama sila. Kaya kung isasama mo ako ngayon kina Vilma o Sharon, oo naman, oo naman.

“Excited akong makasama sila Megastar, Ms. Sharon at congresswoman Ate Vilma, kasi sila na lang ang di ko nakasama talaga sa isang project. Iniintay ko pa rin na magkatotoo iyan, halos lahat kasi nakasama ko na. Sila na lang dalawa ang hindi pa. Kaya pangarap ko sila, until now.”

Kung sakaling alalay ni Sharon ang papel na ibigay sa kanya, okay lang ba?

“O Diyos ko! Wala naman akong problema e, kahit alalay. Hindi naman ako porke nag-Gloria, nag TGL, kailangan bida all the time. Supporting, puwede naman. Pero depende rin sa role na supporting, dapat maganda rin, ‘di ba?

“Wala naman, hindi naman issue sa akin ‘yung bumalik ako sa supporting. Basta maganda ‘yung role, ganoon lang naman,” nakangiting esplika ni Ms. Sylvia.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …