Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai delas Alas, posibleng bumalik sa ABS CBN!

SOBRANG proud ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa nakamit na Best Actress award sa 2017 Asean International Film Festival and Awards (AIFFA) sa Malaysia dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Area bilang isang aging prostitute sa mumurahing casa sa isang red district sa Angeles, Pampanga.

Nabanggit niya kung gaano siya ka-proud sa pelikulang Area na mula sa direksiyon ni Louie Ignacio at prodyus ng BG Productions International ni Ms. Baby Go. “Proud ako siyempre sa pelikulang ito, nakakuha ako ng dalawang International Best Actress award dito, eh. Kaya thankful ako kina Direk Louie at Ms. Baby Go na siyang producer ng movie namin. Isa itong Area sa mga pelikula kong hindi ko malilimutan,” saad niya.

Dagdag pa ni Ai Ai, “Ngayon ko lang ito na-receive e, kaya happy ako na nakita ko na siya (throphy). Saka kasi siyempre, proud ako sa pelikulang Filipino at proud ako kasi siyempre hindi lang ito para sa atin, kundi para naman sa lahat ng mga Filipino. Lalong-lalo na sa mga nanay, kasi ang Area, story rin iyan about sa nanay, ibang klase lang.

“So, ito po ay para sa ating lahat, kaya masayang-masaya ako. Kasi kumbaga, nagre-represent ako ng Pinoy pride.”

Sa naturang thankgiving presscon pa rin ng BG Productions, nausisa si Ms. Ai Ai na dahil malapit nang matapos ang contract niya sa GMA-7, posible ba siyang bumalik sa ABS-CBN?

Sagot niya “Depende siguro kay Boy (Abunda) kung anong mangyari, depende kung may offer. Kasi hindi ko pa naman alam kung may offer. Basta kung saan ako dalhin ni God, doon na lang tayo.

“Kasi minsan kapag nagpaplano ako di naman natutuloy. Minsan naman kapag yun yung plano ko, bukod sa hindi naman natutuloy naiiba naman yung outcome. So, tignan na lang natin.”

Pero kung magkaroon ng offer, open ka po ba? “Oo naman siyempre, dati naman akong Kapamilya eh. Eh dati rin naman akong Kapuso kaya tinanggap nila ako roon. So, tignan na lang natin kung ano yung mangyayari.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …