Wednesday , December 18 2024

2 NBI agents ‘pinagpahinga’ ni Sec. Aguirre (Nasa payola ni Atong Ang)

ITINAPON sa ‘kangkongan’ ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II, ang dalawang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), sinasabing kabilang sa tumatanggap ng payola mula sa kilalang bigtime gambling lord na si Charlie “Atong” Ang.

Pahayag ng kalihim, may nakalap silang matibay na ebidensya, nagpapatunay na kasama ang dalawang ahente ng NBI sa protection racket kay Ang.

Habang isinasagawa ang imbestigasyon, inilipat muna ni Aguirre ang dalawa sa ibang lugar.

Tumanggi ang kalihim na tukuyin kung saan itinalaga ang dalawang NBI agent, sinabing hindi iyon mahalaga kundi ang mapatunayang lumabag sa batas si Ang.

Samantala, sunod-sunod ang ikinasang anti-illegal gambling operations ng NBI sa Baguio City, nagresulta sa pagkakaaresto sa 70 katao. (BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *