Monday , December 23 2024

Kaduda-dudang yosi nagkalat sa merkado buwis nito paano?

BILYON-BILYONG halaga ng buwis ang hinahabol ng gobyerno, Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Mighty Corp., matapos mahuli ang kompanya na gumagamit ng ng pekeng tax stamp.

Napatunayan ito ng gobyerno sa mga isinagawang magkakahiwalay na operasyon o pagsalakay sa mga bodega ng nasabing kompanya kamakailan. Hindi lamang barya-baryang halaga ng karton-kartong produktong sigarilyo ang nakompiska o nakitaan ng fake stamp tax kundi bilyong halaga kaya ganoon na lamang kalaki ng buwis na hinahabol ng BIR o mismong si Pangulong Duterte sa nasabing kompanya ng sigarilyo.

Sa bahagi ng Mighty Corporation, kanilang pinabulaanan na gumagamit ang kanilang kompanya ng pekeng tax stamp. Sa madaling salita, hindi raw nandadaya o hindi niloloko ng kompanya ang gobyerno. Yes, lumalaban daw ang Mighty nang parehas kung pagbabayad lang naman ng buwis ang pag-uusapan.

Kamakailan, ang isyu laban sa Mighty Corporation ay naging mainit pero bakit kaya tila naglahong parang bula? Nakapagbayad na kaya ang Mighty? Puwede rin o maaaring may naging kasunduan kung paano bayaran ang nasabing halaga.

Ngunit ang nasabing kompanya lang ba na inaakusahan ang gumagamit ng pekeng stamp?  Naitanong natin ito dahil kapansin-pansin ngayon sa mga sari-sari store ang nagsusulputang mga mumurahing sigarilyo –  mula raw Tsina.

Hindi nga kilala ang pangalan ng mga sigarilyo na nabibili lang sa halagang piso per stick at mayroon pang P5.00 for 3 to 4 sticks. Napakamura ‘di po ba? Halos ipinamimigay na lamang.

Kung susuriin, kaduda-duda rin ang presyo ng mga sigarilyo – piso isa? Bakit ganoon na lamang kamura sa kabila nang sinasabing ito’y galing sa labas ng bansa? Hindi ba mas mahal sana ito dahil sa pagpasok nito sa bansa ay may buwis na binayaran ang kompanya na nagpasok sa produkto? Maliban lang kung palusot ito sa mga pantalan.

Tulad ng nabanggit, nagkalat ang mumurahing sigarilyo sa mga sari-sari store. Bagamat hindi pa masyadong mabenta o hindi pa gaano kilala, dapat ay kumilos na ang gobyerno lalo na ang BIR para habulin din ang kompanya na nagpapasok sa produkto.

Walang dahilan para hindi magawang habulin ito ng BIR dahil kung nagawa  nilang gawin ito sa Mighty Corporation, siyento por siyentong magagawa rin ito ng BIR sa kompanyang nasa likod ng sigarilyong kumakalat na sinabing galing daw labas.

Katunayan, kung gugustuhin ng BIR, sa tulong muli ng National Bureau of Investigation (BIR) matutukoy nila kung sino ang nasa likod ng mga hindi kilalang sigarilyong nagkalat sa merkado, napakadali itong matunton.

Suhestiyon lang ha, umpisahan ang pagsalakay sa mga sari-sari store para malaman kung kanino nila binibili. Bukod dito, malalaman din kung nagbabayad ng tamang buwis ang supplier o distributor sa pamamagitan ng pagsusuri ng tax stamp ng mga sigarilyo.

Sa pagsuri ng tax stamp, malalaman kung peke at malalaman din kung totoong galing sa labas ang produkto o  malalaman din kung local manufacturer ang may gawa nito.

Siyempre, sa pagsalakay sa mga sari-sari store, hindi lamang ang mga hindi kilalang sigarilyo ang susuriin kundi lahat ng klase ng sigarilyo – kilala at hindi kilala, para malamang kung gumagamit ba sila (lahat ng cigarette company) ng genuine na stamp tax.

Hindi ba target ng gobyerno ang malaking koleksiyon sa buwis para masuportahan ang lahat ng magagandang plano o proyekto para sa mamamayan? Aba’y nararapat nga nilang silipin ang mga nagkalat na hindi kilalang sigarilyo na ibinebenta sa mga sari-sari store.

Teka, ‘wag maguluhan ha, hindi sari-sari store owners ang ipinahahabol natin dito kundi sa pamamagitan ng pagsalakay o inspeksiyon sa mga sari-sari store, malalaman kung sino o kanino binibili ng store owners ang mga never heard na sigarilyo mula raw sa labas. No problem naman kung galing sa Tsina pero ang tanong nagbayad ba ng tamang buwis o may binayarang buwis ba ang importer nito? Kung hindi naman nagbabayad ng tamang buwis o walang binabayarang buwis, paano nakalusot sa mga pantalan na hawak ng Bureau of Customs (BOC)?

Kaya, unfair sa pinag-iinitang kompanya ng sigarilyo kung sila lang ang hinahabol samantala marami pang produktong sigarilyo na kaduda-duda ang presyo sa merkado.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *