Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, dapat ipagpasalamat ang pagpapa-picture ng fans

NATAWA kami sa ipinabasa sa aming social media post niyong si Nadine Lustre. Ang tinutukoy naman niyang sitwasyon ay iyong pakiusap ng isang show na walang pictures at walang video sa kanilang taping dahil baka mai-post sa social media at maunahan pa ang show na kalalabasan ng contest. Pero just the same, may mga kumuha pa rin ng video at naglabas niyon sa social media.

Sa ganyang sitwasyon, isa lang ang masasabi namin eh. Oras na maglagay kayo ng studio audience sa taping, asahan na ninyong may lalabas diyan. Dapat sa mga ganyang show, walang studio audience dahil uunahan pa kayo talaga niyan sa internet.

Tungkol naman doon sa sinasabi pa ni Nadine na bakit may mga taong hindi makaintindi na bawal ang picture taking, at doon sa mga nauna pang sitwasyon na tumatanggi siya talaga sa isang picture taking, aba ineng, bakit ka nga ba nag-artista?

Iyang mga ganyang sitwasyon hindi maiiwasan ng isang artista. Kung ayaw mo nang ganoon, ‘di sana hindi ka nag-artista. O kaya naman huwag kang lalabas ng bahay. Ipasara mo ang mall para walang ibang tao sa pagpunta mo roon. Ipagbawal mo ang audience sa iyong mga show. Iyon lang ang paraan para huwag mong problemahin ang picture taking.

Pero tandaan mo ineng, kung wala nang interesadong makipag-picture taking sa iyo, at saka ka magsisisi nang todo. Iyan ang kapalit ng popularidad ng isang artista. Minsan talaga makukulit ang fans, pero gumagastos sila sa iyo. Ibinibigay nila ang oras nila sa iyo. Kailangan mo iyong suklian din ng panahon mo. Kung hindi, baka hindi mo namamalayan laos ka na.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …