Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Anderson, masaya sa role sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin

HAPPY si Gerald Anderson sa TV series nilang Ikaw Lang Ang Iibigin ng ABS CBN. Bukod sa hudyat ito ng pagbabalik-tambalan nina Gerald at Kim Chiu, swak sa tunay na pagkatao ni Gerald ang karakter niya rito bilang isang tri-athlete.

Dito’y gumaganap si Gerald bilang si Gabriel na isang triathlon athlete. Ano ang pagkakahawig nila ng character niya rito bilang si Gabriel?

Saad ni Gerald, “Sobrang magkahawig kami, ang dami naming bagay sa buhay na ganoon din ako sa totoong buhay. Nandiyan yung sakriprisyo at yung tiyaga niya at iyong ginagawa niya for his family, sobrang nakaka-relate ako.”

Sinabi rin ng actor na mai-inlove ang viewers sa mga papel nila sa seryeng ito ng Dos. “Mai-in-love po kayo sa bawat characters, sa bawat kuwento ng mga characters na kasama sa show. Tungkol po siya sa pamilya, sa love story… lahat nandoon, lahat na ng hinahanap ninyo sa teleserye, nandoon.”

Ayon pa kay Gerald, nandoon pa rin naman daw ang chemistry nila at natutuwa siya sa transformation ni Kim bilang isang magandang dilag.

“Hindi siyempre, matagal na rin po yung aming loveteam ni Kim and sa kanya po talaga, sabay kaming nagsimula. And then nagkaron kami ng mga panahon na hindi na kami nagsasama ng ilang years… So yung feeling na nakakasama ko siya ulit tapos parang ibang tao na rin kami…, nag-grow kami as individual. Nandoon yung comfort pero nandoon din po yung adjusting, parang bagong leading lady din. So nakakatuwa, kasi ibang-iba rin siya ngayon and she blossomed into this beautiful woman na talaga.”

Ang Ikaw Lang Ang Iibigin ay nagsimula nang umere last May 1 at ito ay napapanood bago ang It’s Showtime.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …