Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Alvarez sibakin palitan ni GMA

SI dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nararapat na mamuno sa House of Representatives kapalit ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang ipinakitang kabastusan ni Alvarez ay sapat na batayan para magkaisa at maging matapang ang lahat ng mambabatas para tuluyan siyang mapatalsik sa puwesto bilang lider ng Kamara.

Sa kabila ng deklarasyon ni GMA na hindi siya interesado sa puwesto ni Alvarez, dapat kumilos ang mga mambabatas lalo sa super majority coalition kung paano unti-unting masisibak ang kanilang speaker.

Kailangang iligtas ng mga mambabatas ang Kamara sa matutulis na kuko ni Alvarez!

Hindi katanggap-tanggap ang pag-amin ni Alvarez na meron siyang bagong ‘kabit’ habang legal pa siyang kasal sa kanyang asawang si Emelita. Ang plano ring pagpapaalis sa tanggapan ng Congressional Spouses Foundation Inc., na nasa gusali ng Kamara ay hindi wasto at isang uri ng pambu-bully. Si Emelita ang kasalukuyang head ng CSFI.

At para magtagumpay ang planong pagsibak kay Alvarez, dapat gumawa ng kaukulang hakbang ang mga mambabatas para makumbinsi si GMA na pumayag sa nasabing plano.

Mahalagang kausapin ng mga mambabatas si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, lalo na ‘yung malalapit sa kanya, at ipaliwanag na napapanahon nang palitan si Alvarez ni GMA dahil hindi na siya epektibo at hindi nararapat na magpatuloy bilang  House speaker.

Bukod sa isyu ng imoralidad, ang legislative work ng Kamara ay halos napabayaan na rin ni Alvarez. Ang mga priority bills ng Malacañang ay naburo na at hindi na rin halos umuusad sa ilalim ng pamunuan ni Alvarez.

Ilan lamang sa mga priority bills ni Digong na ‘tinulugan’ ni Alvarez ang mga panukalang batas tungkol sa pederalsimo, emergency powers para solusyonan ang matinding trapiko sa Metro Manila at pagpapalawig ng passport validity.

Kabilang din sa mahahalagang bills na nasa committee level pa rin hanggang ngayon ang Freedom of Information bill, Salary Standardization, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Abolition of Labor Contractualization, Anti-Political Dynasty, Anti-Discrimination sa lesbian, gays, bisexual and transgender (LGBT), Divorce bill at iba pang mga panukalang batas.

Ganito kapalpak si Alvarez.  Sa halos isang taon niyang panunungkulan sa Kamara, intriga lang ang ipinagmamalaki ni Alvarez bilang Speaker of the House. Hindi niya nagawang pagkaisahin ang mga mambabatas sa kabila ng pagkabuo ng super majority coalition dahil sa maling pamamalakad sa Kamara.

Isa pang dahilan ng kapalpakan sa Kamara ay panantili ng kanang kamay ni Alvarez na si Majority Floor Leader Rudy Fariñas na walang ginawa kundi ang mamolitika.  Kung sisibakin si Alvarez, huwag magdadalawang isip na isama na ring sipain si Fariñas.

SIPAT – Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *