Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charice, wala ng bahay, wala pang career

NAG-SPLIT na pala si Charice Pempengco at ang kanyang live in “girlfriend” noon na si Alyssa Quijano. Wala naman kasi talagang mabubuhay sa “love” lang eh. Eh simula naman noong umamin si Charice na siya ay tibo, may “pakakasalang babae” at kung ano-ano pa, bumagsak ang kanyang career.

Akala niya hindi man tanggap ang same sex sa Pilipinas, may career naman siya sa abroad. Eh nasaan nga ba ang career na iyon? Ano ang nangyari? Dahil inaway niya pati pamilya niya, ngayon wala ring bahay si Charice at nakikitira sa isang kaibigan. Wala ka rin kasi siyang career ngayon. Kinansela ang dapat sana ay concert niya noong nakaraang buwan, siguro nga walang bumibili ng tickets. Kasi ang balak naman niya, sa concert na iyon magpapaalam din siya sa fans niya at sasabihing ayaw na niyang kumanta. Inunahan na siya ng fans. Hindi na bumili ng tickets.

Iyang pagiging artista kasi, sakripisyo talaga iyan. Minsan kailangang talikuran mo kung ano ang gusto mo para umangat ka sa iyong career. Kung ipipilit mo ang gusto mo na hindi naman gusto ng fans mo, eh talagang gutom ang babagsakan mo. Siguro iyan ang isang bagay na dapat tanggapin na ng isang gustong maging artista o singer. Ang tagumpay nila ay nakasalalay sa kagustuhan ng fans. Basta inayawan na sila ng fans, wala na sila.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …