Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mojack at White Lies, may shows sa May 2 at 3 sa Pampanga

MAGKAKAROON ng back to back shows ang versatile na singer/comedian na si Mojack Perez at ang bandang White Lies sa Guagua, Pampanga. Sa May 2 ay nasa Sto Cristo sila at sa May 3 naman ay sa Magsaysay.

Ang White Lies ang nagpasikat ng mga awiting Alaala Mo at First Love Never Dies.

Ayon kay Mojack, masaya siya sa forthcoming show nila dahil sa jamming o ensayo pa lang with White Lies ay nag-enjoy na siya. “Mas Ganado po ako kapag live band ang kasama ko sa pagpe-perform. Kasi, mas nagagawa ko ang lahat at anytime puwedeng ihinto ang music at mag-punchline o magpasaya ng audience.”

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat ako kay Lord sa blessings at di Niya ako pinababayaan at laging may mga shows na dumarating. Na kahit wala masyadong exposure sa TV ngayon, maraming sumusuporta sa labas para magpasaya ng kanilang mga kababayan. Kaya salamat din sa walang sawang nagtitiwala at nag-e-enjoy sa bawat performance ko. Salamat sa Diyos dahil sa tulong Niya ay mayroong naihahain na pagkain sa hapag kainan, para sa aking pamilya.”

Sa ngayon ay kaliwa’t kanan na naman ang shows ni Mojack. Last week ay katatapos lang niyang makasama si Ynez Veneracion, tapos sa isa pang show ay ang Hashtags members namang sina Nikko Natividad, Jon Lucas, at Tom Doromal.

Ang ilan pang shows ni Mojack na dapat abangan ay sa Talisay, Batangas sa May 15 at sa Bauan, Batangas naman sa May 20.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …