Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharlene San Pedro, recording artist na rin

ISA ang young actress na si Sharlene San Pedro sa mga Kapamilya talents na habang tumatagal ay lalong nagniningning ang bituin. Kumbaga, right timing at right project na lang ang hinihintay niya at susunod na siya sa yapak ng ilan sa mga sikat na young stars ng bansa.

Mula sa pagiging aktres ay sasabak na rin si Sharlene sa pagiging recording artist.

Dahil daw sa kanyang cover ng kantang Paraan ng Mayonnaise, napansin ang kanyang talent sa pagkanta at nagresulta nga ito sa pagkakaroon niya ng album.

Sinabi ni Sharlene na ang planong gawan siya ng album ay nagsimula nang Manalo siyang Favorite Remake award sa katatapos na MYX Music Awards. Dahil daw dito ay mas na-motivate siyang mas gandahan pa ang mga kantang ire-release.

“Nagre-recording palang kami para sa track four. So four pa,” wika ni Sharlene.

Ang unang plano ay ilabas ang album sa kanyang 18th birthday noong April 5.

Siniguro rin ng aktres na magugustuhan at masasakyan ito ng mga kabataan.

“Iniba-iba iyong genre, kasi sabi ko gusto ko laidback lang, easy listening lang. Hindi siya parang masakit sa tainga. Iyong parang gusto mo lang pakinggan kapag nagse-senti ka.

“Sa tingin ko mas hugot playlist nga iyong upcoming album ko, e. So dapat abangan nila dahil kakaiba ito,” esplika ni Sharlene.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …