Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Debut ni Kisses Delavin, pinaghahandaan nang todo!

ISANG Francis Libiran gown ang isusuot ni Kisses Delavin sa kanyang 18th birthday na magaganap sa May 1. Big fan daw ng kanilang pamilya ang kilalang fashion designer.

“Parang sobrang bongga siya for me kasi he’s one of the best in the Philippines. Talagang he’s a genius in his work. My parents, parang they really want to make it a special gown kaya kinuha po nila si Sir Francis Libiran,” saad ni Kisses.

Actually, hindi raw inaasahan ng Pinoy Big Brother Lucky Season 7 Second Big Placer na mayroon siyang party sa kanyang debut. Unang plano niya ay magkaroon lang daw ng dinner sa kanyang pa-milya at mga taong malalapit sa kanya. Pero may inihahanda palang party para sa kanyang 18th birthday ang mga magulang na sina Gilbert at Carrie Delavin.

“Maliit na maliit pa ako, plan na nila na pagawaan talaga ako ng debut, ng party talaga. Siyempre, I’m very grateful kahit hindi ako mahilig sa mga bongga-bongga. I will accept it kasi siyempre, sobrang excited iyong parents ko,” pahayag ng dalaga.

Dagdag pa niya, “Pero iyong debut ko na planning, talagang sobrang rushed siya. Kasi talagang biglaan na magde-debut pala ako.

“Surprise raw po iyong the rest ng guest list. Kahit ako nga, medyo surprise pa rin siya sa akin. Kasi wala akong alam sa mga pina-plan nila, pero I am excited.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …