MULA sa pagiging theater actor, humahataw sa indie films ang newcomer na si Tonz Are. Si Tonz ay 25 year old at tubong Koronadal City. Kabilang sa mga indie films na kasali siya ang Night shift, Notbuk, Silangan, Nanay Krisanta, Sitio Dolorosa, Panaginip, Play Ground, Makata, Mangkukulob, Udyok, Lamat, at iba pa.
Ayon kay Tonz, bata pa lang ay hilig na niya talaga ang pag-aartista.
“Bata pa lang po ako hilig ko na po talaga ang pag-aartista. Kaya sa school dati sumasali na ako sa theater po. Nag-start po ako sa modelling dati, tapos may isang direktor na kumuha sa akin, bale iyon ‘yung first movie ko, iyong Mangkukulob noong 2010 pa po ‘yun.” saad niya.
Ngayong 2017, tatlo ang bagong pelikula ni Tonz. “Three ang film ko ngayong 2017, ito ang Gala, Tres, and Mga Munting Pag-Asa. Sa Gala po, support role ako rito, kontrabida ako at ang director ay si Joel Mendoza. Sa dalawang movie pa, supporting din po ako.
“Tito, nag-Best Actor na rin po ako sa Theatro Expedition de Filipinas and last 2014 ay nominado rin ako for Best Actor sa 1st Inding Indie Film Festival sa film na Silangan. Noong 2015 naman ay nominated po ulit for Best Actor sa film na Sitio Dolorosa sa 2nd Inding Indie Film Festival po.”
Ano ang gusto mong mangyari sa iyo sa showbiz? Sa tingin mo ba ay may K ka rin sa larangang ito?
“Gusto ko po ay malinya sa drama and gusto kong makilala rin ako sa mainstream. Pangarap ko po na magkaroon ng teleserye someday and maka-work po si kuya John Lloyd Cruz.
“Opo, sa tingin ko naman ay may K din akong maging parte ng showbiz,” nakangiting saad ni Tonz.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio