Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariveles, Bataan Councilor, gustong maging next Lea Salonga

MULA sa pagiging Number 1 Konsehala ni Jaja Castaneda sa Mariveles, Bataan, balak din nitong pasukin ang Showbiz at mapasama sa isang musical play.

Nagmula sa politics ang pamilya ni konsehala Jaja, dahil ang kanyang very supportive mom na si Tita Jocelyn “Jo” Castaneda ay tatlong beses ding nanungkulan bilang konsehala ng nasabing lugar. Maging ang mga kamag-anak nila’y puro politiko.

Bukod nga sa pagiging politician, naengganyo itong umarte lalo nang makapag-workshop sa Star Magic. Pero bago pasukin ang showbiz ay mas inuna muna ng konsehala ang makapagtapos ng pag-aaral kasunod ang pagpasok sa politika.

Pero ngayong graduate na siya ay mas may oras na para tuparin ang  pangarap na mag-artista at maging theater actress especially sa mga musical play katulad ng kanyang idolong si Lea Salonga.

Sa tulong na rin ng former actor at ngayon ay matagumpay na producer na siJeffrey Gonzales na kababayan niya ‘di malayong makamit na ni Jaja ang matagal nang minimithi.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …