Saturday , November 16 2024

Utak ng pagpaslang sa chairwoman arestado sa Bulacan

ARESTADO ng mga tauhan ng Meycauayan City Police Station sa lalawigan ng Bulacan, ang suspek na si Alfred Basilisa, ang sinasabing utak sa pagpas lang kay Chairwoman Nenita Acuna, ng Brgy. 200, Zone 18, District 2, ng lungsod ng Maynila. (BRIAN GEM BILASANO)
ARESTADO ng mga tauhan ng Meycauayan City Police Station sa lalawigan ng Bulacan, ang suspek na si Alfred Basilisa, ang sinasabing utak sa pagpas lang kay Chairwoman Nenita Acuna, ng Brgy. 200, Zone 18, District 2, ng lungsod ng Maynila. (BRIAN GEM BILASANO)

NATUNTON ng mga elemento Manila Police District (MPD) Police Station 7, sa isang siyudad sa Bulacan ang sina-sabing utak sa pagpatay kay barangay chairwoman Nenita Acuna noong nakalipas na buwan sa Hermosa St., Tondo, Maynila.

Sa kulungan isinilbi  ng mga awtoridad ang warrant of arrest sa itinuturong mastermind sa Tondo chairwoman killing, na si Alfred Basilisa, alyas Redd Solero, 24, ng Int. 16, Hermosa St., Tondo, nasakote ng mga operatiba ng Meycuayan City Police Station (MCPS).

Base sa naka-rating na ulat kay MPD PS7 commander, Supt. Alex Daniel, pa-sado 2:00 pm kamakalawa nang makatanggap ng impormasyon ang kanyang Intel group mula sa kanilang civilian police asset, na natunton ang pinagtataguang lugar ng suspek sa Meycauayan, Bulacan.

Kasunod nito, sa proper coordination ng mga pulis-Maynila na nagtungo sa lugar, nabatid na nahuli ng MCPS ang suspek dakong 3:40 pm sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165, Sec. 5 at 11, in relation to Sec. 26, sa pinagta-taguan sa Dinar St., Saint Michael Subd., sa Barangay Pandayan.

Sinabi ni Daniel, ang suspek ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Chairwoman Nenita Acuna, 43, ng Brgy. 200, Zone 18, District 2, lungsod ng Maynila.

Nauna nang napatay ng mga pulis-Tondo ang gunman  na si Aldrian Tayag, alyas Pitong makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng MPD PS7.

Napag-alaman,  sinasabing ipinatumba ni Basilisa ang chairwoman dahil sa hinalang ang barangay official ang nasa likod nang pagpapahuli sa hinihinalang mga drug pusher sa lugar.

(BRIAN GEM BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *