ANG dami nilang pinagsasabi sa film development. Bakit hindi nila gawin ang ginawa ng Experimental Cinema of the Philippines noong araw. Tumutulong sila para makahanap ng mamumuhunan para sa magagandang experimental movies, hindi kagaya ngayon na ang ginagawa lamang ay pilitin ang ilang sinehan na ilabas ang indie movies na barya ang puhunan.
Iyong Himala ni Nora Aunor, experimental movie iyan noon na ginawa sa ilalim ng ECP. Naging malaking hit iyan at itinuring na Asia’s best of all time ng CNN. Tingnan ninyo iyong mga indie ngayon, mananalo sa isang festival, mababasura naman sa iba. Kasi naman idinadaan sa koneksiyon eh.
Pero noon, iyong “experimental cinema” na k atumbas niyang mga indie ngayon, talagang magaganda, malalaking artista ang lumalabas, at nagiging hit sa mga sinehan bukod pa nga sa mga “uncensored” run ng mga iyon sa noon ay Manila Film Center.
Iyong Film Center hindi “haunted cinema” iyon ha. Sosyal na film center iyan noong araw.
HATAWAN – Ed de Leon