Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Peter at Gloria, pinakatinutukan, trending pa

PINAKATINUTUKAN kahapon ng hapon ang kasalang Gloria (Sylvia Sanchez) at Peter (Noni Buencamino) sa The Greatest Love sa ABS-CBN2.
Trending din ang #TGLTheWeddingDay at marami ang nagpahayag ng kasiyahan at lungkot sa nangyaring kasalan na ginanap sa Padre Pio Church sa Silang, Cavite. Marami ang nasiyahan dahil sa wakas, naging Mrs. Alcantara na si Gloria. May mga naiyak naman dahil sa mensahe ni Gloria kay Peter.

Ang panganay na anak ni Gloria na si Amanda (Dimples Romana) ang naghatid sa kanya. Present din ang iba pang mga anak ni Gloria na sina Andrei (Matt Evans), Paeng (Aaron Villaflor), at Lizelle (Andi Eigenmann). Naroon din ang apong si Z (Joshua Garcia), ang bestfriend na si Lydia (Ruby Ruiz), ang kaibigan ni Z na si Waywaya o Y (Kira Balinger), ang BF ni Andrei na si Ken (Micah Munoz) at iba pa.

Narito ang ilang litrato sa kasalang naganap kahapon sa The Greatest Love na nakuha namin sa Facebook account ng TGL.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …