Saturday , December 21 2024

Huwag pabulag sa kinang ng EDSA

NITONG nagdaang Sabado ang rurok ng paggunita ng mga Liberal Demoktrata sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktador at dating pangulo na si Ferdinand Marcos Sr.

Marami ang dapat ipagpasalamat sa kaganapang ito pero hindi tayo dapat mabulag sa kakulangan ng EDSA-PPR na iluwal ang isang lipunan na may katarungan, katotohanan, kalayaan, pag-ibig at kapayapaan, mga katangian ng inaasam na paghahari ng Diyos dito sa lupa.

May hatid na kabutihan ang EDSA-PPR sapagkat ito ang naging daan upang lumawak muli ang espasyo politikal na nagbigay sa atin ngayon ng maraming kalayaan tulad halimbawa ng kalayaan sa pamamahayag at kalayaan mula sa takot na hatid ng isang sistemang diktaduryal.

Dangan nga lamang ay hindi tayo dapat makontento sa mga nakamtan dahil habang dumadaan ang panahon ay dahan-dahan na yumayabong muli ang mga binhi ng diktadura. Dapat nating matiyagan at labanan ang mga tangka ng reaksiyonaryong ilan para bawiin ang katiting na kalayaan na ating nakamtam dahil sa EDSA-PPR.

Bukod sa pagbabantay sa ating mga nakamit ay dapat tayong kumilos upang lumawak ang nabuksang espasyo politikal at paabutin ang biyaya nito sa sistemang pang-ekonomiya at kultura. Dapat nating trabahuhin na maging makatarungan ang paghahati ng pambansang yaman, maitaguyod ang katarungang pang kalikasan at lipunan, mapayaman ang kulturang Filipino at mapatibay ang pambansang kaakuhan o national identity.

Sa kabila ng kabutihang nadala sa atin ng EDSA-PPR ay dapat din nating makita na ito ay isang proseso nang pagpapalit ng mga bantay sa nananatiling kaayusan – isang sistemang pang-ekonomiya na pabor sa matandang oligarka, isang sisteng politikal na nakadisenyo para sa mga pul-politiko at ang isang sosyo-kultura na bukod sa pagiging western oriented ay mapantakas at nakalalabnaw ng diwang makabansa.

Ang EDSA-PPR ay dapat nating sipatin at unawain sa pamamagitan ng lente ng tunay na liwanag at katuwiran. Hindi tayo dapat malinlang ng pangakong kaayusan na kapalit ang ating ka

layaan.

* * *

Ngayong dinakip na si Senadora Leila De Lima, may palagay akong hindi siya gagawa ng mga hakbang upang maantala ang pagdinig ng hukuman sa kanyang kaso. Ito na ang pagkakataon na pasinungalingan niya ang bintang sa kanya ng administrasyon.

Bilang mamamayan na may turing, dapat bantayan natin ang kasong ito upang matiyak na tanging ang katotohanan ang mananaig at hindi ang kabulaanan.

* * *

Nakikiramay ang Usaping Bayan kay Quezon City Mayor Herbert Bautista sa pagyao ng kanyang ama, ang batikang aktor at dating kunsehal ng QC na si Herminio “Butch” Bautista. Condolence Mayor Herbert.

Nakikiramay din ang Usaping Bayan sa mga naulila ni Gng. Asela Carbonel na pumanaw kamakailan. Condolence po sa inyo.

* * *

Isang taon na ang electronic-news site na Beyond Deadlines. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines website sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *