Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chanda Romero, ‘di pa rin kumukupas ang ganda

TUWANG-TUWA si Ricky Davao na siyang direktor ng serye ni Janine Gutierrez dahil isa rin siya sa cast ng said primetime series.

Eh, kasi, parang hindi napapagod sa taping, puyat man o hindi, nakababad sa teyping at ingat na ingat sa mga kilos at dialogue sa harap ng kamera. Parang anak na rin ang turing ni Direk kay Janine dahil ang ama nitong si Monching Gutierrez ay kapatid ni Jackie Lou Blanco.

Ang ina nitong si LotLot d Leon ay anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon, at anak naman nina Pilita Corales at Eddie Gutierrez si Monching. Kaya kalapot ng dugong artista na dumadaloy sa ugat ni Janine. Kaya feeling ni Direk Ricky, suwerte naman niya na ang mga artista niya ay magagaling at madaling makasunod sa mga gusto niya sa harap ng kamera.

Ang gagaling ng mga batang ito, wika ni Direk Ricky, paulit-ulit ang mga papuri niya kina Mikael Daez at Rodjun Cruz, na ayon sa kanya, sobrang saya niya sa actor sapul ng mag GMA-7 siya.

Napakaganda rin ni Lauren Young at ang galing niyang mag-facial emote.

Ang iba pang casts na ibini-build up ng network for the future dahil nagbabadya sa nakikita sa kanila sa taping, ay sina Therese MalvarLucho Ayala, Ashley Rivera, at Camille Torres.

Itong si Marc Abaya huwag kayong magtaka dahil parang kukot mane kapag nakaharap na sa kamera, sasabihin lang ang gagawin niya siya na ang bahala. Siyempre anak yata ‘yan ng magaling na lady movie direktor na si Marilou Diaz Abaya.

At si Chanda Romero, one of the best actress ng local showbiz, one of the most beautiful faces na magugulat kayo na ang ganda-ganda pa rin after so many years. Walang retoke, sikreto? No vices, no smoking, drink plenty of water, fruits and vegetables at morning exercise. At ang kapit sa Diyos. At sabay napangiti si Chanda sabay wikang,  ”Happy Lovelife.” Yun lang!

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …