Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
richard gomez ormoc
richard gomez ormoc

Richard Gomez sangkot sa Espinosa drug group

TINUKOY ng police officer na nanguna sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) team na sumalakay sa selda nang napaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa, ang actor-turned-Ormoc City Mayor Richard Gomez na kabilang sa tinaguriang “Espinosa drug group” Thursday.

Sa kanyang testimonya sa Senate public order committee, sinabi ni Chief Inspector Leo Laraga, ang CIDG ay nag-aaply ng search warrant sa Samar province dahil may ilang local politicians sa Leyte ang sangkot sa drug operations ni Espinosa.

“[May] mga personality na involved doon sa Espinosa drug group mismo galing din ito sa region na — nabanggit na rin ito ni late Mayor Espinosa regarding doon sa mga politiko na involved and at the same time, ‘yung mga nasa PNP (Philippine National Police),” pahayag ni Laraga.

“‘Yung sa Baybay City is involved. ‘Yung vice mayor ng Baybay City, allegedly ‘yung governor ng Leyte, the mayor of Ormoc City, and the congressman of the third district of Leyte,” pahayag ni Laraga na sa simula ay tumangging magbanggit ng pangalan ng nasa-bing mga politikong nakaupo sa posisyon.

Ngunit iginiit ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na dapat pangalanan ni Laraga ang mga politiko, idiniing ang imbestigasyon ay ‘in aid of legislation’.

Ayon kay Laraga, ang tinutukoy niya ay sina Baybay Vice Mayor Mike Cari, Rep. Vicente Veloso, Leyte Governor Leopoldo Petilla, at Ormoc Mayor Richard Gomez.

Sinabi ni Laraga, narinig niya nang personal ang nasabing mga pangalan mula kay Albuera Municipal Police chief, Inspector Jovie Espenido sa case conference.

“Sinabi niya ‘yun personally ‘yung mga pangalan na sinabi ko na binanggit ni Mayor [Espinosa],” ayon kay Laraga.

Itinanggi ni Veloso na sangkot siya sa illegal drug trade sa lalawigan.

Habang sinabi ni Gov. Petilla, umaasa siyang lalabas ang katotohanan na hindi siya sangkot sa droga.

“Kung sinasabi na protektor ako, I don’t think that is true. That is absurd,” ayon kay Petilla.

GOMEZ, TORRES PUMALAG

MARIING kinondena ng aktor at ngayo’y Ormoc City Mayor na si Richard Gomez ang pagkakada-wit ng kanyang pangalan sa illegal drug operations sa Eastern Visayas.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Senado patungkol sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, binanggit ni Chief Inspector Leo Laraga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8, ang pangalan ni Gomez sa Espinosa drug group.

Agad umapela si Richard na huwag siyang isama sa circus nila.

Inalmahan din ni Fourth District Leyte Representative at misis ni Gomez na si Lucy Torres-Gomez, ang akusasyon sa kanyang mister at sina-bing baseles ito at walang katotohanan.

Ayon sa legal counsel ni Goma na si Atty. Alex Avisado, hindi totoo ang mga akusasyon laban sa actor-turned-politician.

Sa katunayan ay hindi pa aniya nasasangkot ang mag-asawa sa illegal drugs, at kabilang sila sa solid supporters ng anti-drug campaign.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …