Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ibang klase si Liza Maza

HINDI makapaniwala ang halos 100 kontraktuwal na empleyado ng National Anti-Poverty Commission na ganoon na lamang silang aapihin at sisibakin sa trabaho ng kanilang bagitong hepe na Liza Maza dahil nakilala bilang tagapagtanggol ng mga inaapi.

Ang masakit pa raw nito, ayon kay Joseph Aquino, pangulo ng mga sinibak na kawani ng NAPC ay hindi sila hinarap ni Aling Liza kahit ilang beses na nilang tinangkang makipag-usap. Ibig daw kasi nilang humingi ng paliwanag kung bakit ngayon lamang magkakaroon ng malawakang sibakan sa NAPC mula noong administrasyon ni Gng. Gloria Macapagal Arroyo.

Napag-alaman ng Usaping Bayan mula naman sa ilang kaibigan sa NAPC na karamihan sa mga sinibak ay malapit sa Akbayan, isang cause oriented group na hiwalay sa grupo ni Aling Liza na Gabriela. Lumalabas na ang tunay na dahilan pala kaya sila sinibak ay hindi streamlining ng burukrasiya kundi dahil hindi sila kalinya ni Maza.

“Pinurga ni Liza ang mga hindi niya kalinya,”diin ng source ng Usaping Bayan.

Maliit pa lamang na tanggapan ang hawak nila, paano na lang kung halimbawang manalo sila at kanila nang tanganan ang poder? Nakatatakot dahil malawak at maaaring madugong purgahan pala ang mangyayari kahit na ang kasalanan lamang ng mga pupurgahin ay hindi sila naniniwala sa linya ni Maza, sabi pa ng mga kaibigan ng Usaping Bayan.

* * *

Nakatatakot ang kultura ng kamatayan na ikinikintal ng kasalukuyang administrasyon sa lipunang Filipino. Ipinipilit ng administrasyong ito na tanging kamatayan lamang ng mga sinasabing lulong sa bawal na gamot ang solusyon sa problema ng bansa. Wala nang nakikita pang solusyon kundi ang kamatayan.

Malaking mayorya sa ating mga Filipino ay nagsasabing sila ay Kristyano pero kataka-takang walang nakakikita sa kanila na hindi asal-Kristyano ang mga nangyayaring patayan. Mukhang nasa disyerto tayo ngayon at tila mananatili tayo

Kasihan nawa tayo ng Panginoon.

* * *

Patuloy pa rin ang trapiko ng narkotiko sa bansa. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sawww.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Rev. Nelson Flores, A.B., LI.B.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …