
ARESTADO sa follow-up operation ng mga operatiba ng QCPD-CIDU ang UV Express driver na si Wilfredo Lorenzo, suspek sa panggagahasa sa dalawang babae sa loob ng ipinapasada niyang van. Modus operandi ng suspek ang bumiyahe sa colorum na SUV at naghahanap ng mabibiktima sa Quezon City. Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang kasabwat niyang suspek na si alyas Buddy. ( ALEX MENDOZA )
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com