PLANO palang kasuhan ni Baron Geisler ang nag-upload ng video niya na nagpakita kung paano siya makipag-away sa isang estudyante. Sinabi ni Baron through his PR handler Tinnie Esguerra na kakasuhan niya ang nag-upload ng video, isang Khalil Verzosa.
Sa isang text message, Baron said, ”the video was taken out of context, and because of that, I plan to consult my lawyers for the possible liabilities of the person who uploaded the video, whose apparent intention is to exploit my already damaged reputation.”
Ang daming nagalit kay Baron nang lumabas ang video na ‘yon na sinasakal niya ang isang estudyante. Nagpaliwanag si Khalil na nag-init ang ulo ng actor nang late na makarating sa kanya ang script.
Marami ring naawa kay Baron. Hinayang na hinayang sila dahil magaling pa naman itong actor.
Kung idedemanda ni Baron ang nag-upload ng video, paano naman niya ie-explain ang ginawa niyang pananakit sa isang estudyante?
At paano rin kung kasuhan din siya?
UNCUT – Alex Brosas