Friday , November 7 2025
Vice Ganda Heart Evangelista Chiz Evangelista

Patutsada ni Vice Ganda kay Heart inalmahan, Sen Chiz bakit ‘di binanggit?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI kami sure kung naging magkaibigan ba o kaswal na nagkikita lang sa showbiz sina Heart Evangelista at Vice Ganda.

This weekend kasi ay pinag-usapan ang tila pag-shade raw ni Vice kay Heart nang dahil sa isyu ng ‘bulok na school at kawalan ng reading materials’  sa isang school sa Sorsogon.

Sa isang portion nga ng It’s Showtime nangyari ang muling pag-call out ni Vice sa gobyerno, kasama pa si Anne Curtis, na siyang nag-umpisa ng kakulangan ng ‘classroom” item.

Sa pagbanggit ng name ni Heart sa usaping pagbisita ni Vice sa lugar nito (Sorsogon), naikwento ni meme ang ipinagawa niyang bulok na school at ipinamahaging mga libro.

Sa reaksiyon ng mga netizen, sadyang patutsada raw kay Heart ang ginawa ni Vice. May humamon pa ritong dapat binanggit nito si Sen. Chiz Escudero na siya namang tunay na taga-Sorsogon, pati na ang gobernador na nag-imbita sa kanya roon dati.

Ok lang magpasiklab siya on national TV ng ginawa niya. Pero sana naman sa narrative niya ay iwasan niyang mambatikos ng mga taong wala namang direct connection sa isyu. Napaghahalata naman talaga,” sey ng netizen na nagtatanggol kay Heart.

Wala pang pahayag si Heart hinggil sa isyu, pero sure ang marami na tila may kung anong nais na palabasin si Vice laban dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …

Marianne Bermundo

Marianne Bermundo espesyal ang debut, focus sa studies at career

BATA pa lang nang nakilala si Marianne Bermundo bilang beautyqueen-model. Ngayon ay ganap na siyang dalaga …

Leah Navarro Richard Reynoso Gino Padilla OPM Then and Now

Leah, Richard at Gino, tampok sa “OPM: Then & Now” sa Music Museum sa Nov. 6

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SPECIAL guests ang mga premyadong mang-aawit na sina Leah Navarro, Richard Reynoso, …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Alphaland nilinaw Chiz, Heart walang ari-arian

I-FLEXni Jun Nardo WALANG pagmamay-ari o anumang ari-arian sa loob ng Alphaland Baguio Mountain Lodges …

Anjo Yllana Tito Sotto

Tito Sotto deadma sa pagngawngaw ni Anjo

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY lang sina Tito, Vic and Joey sa everyday nilang ginagawa sa Eat Bulaga kahit ngumangawngaw si Anjo Yllana sa …