Sekond Mangahas Jacob Maycong Shaun Vargas Karl Vengco Adamson Baby Falcons

Apat sa Adamson Baby Falcons future basketball superstars

MATABIL
ni John Fontanilla

MGA future PBA Superstar ang apat na players at pambato ng Adamson Baby Falcons na sina 

Sekond Mangahas, 14, 6’0”; Jacob Maycong, 14, 6’2”; Shaun Vargas, 15, 5’11”;  at Karl Vengco, 15, 6’1”.

Bagama’t mga bata pa ang apat nagpapakita na ng husay at galing sa paglalaro ng basketball, kaya naman ‘di malabong sila ang susunod na titilian at iidolohin ng mga Pinoy na mahilig sa basketball.

Bawat isa ay may kanya-kanyang hinahangaan at iniidolong basketball player. Paborito ni Jacob si Kevin Quiambao, habang si Second naman ay si Cedrick Manzano, si Shaun si LeBron James, at si Karl naman si Kobe Brayant.

Bukod sa pagiging asketball player, pang-artista rin ang dating nina Jacob, Sekond, Karl, at 

Shaun, katulad ng mga PBA atNBA players na sinubukan at pinasok din ang mundo ng pag-arte.

Paborito ni Jacob ang mahusay na komedyante na si Wally Bayola, si Second  naman ay ang  Kapuso star na si Alden Richards, habang si Shaun ay paborito si Sanya Lopez, at si Karl ay ang Kapamilya actor na si  Daniel Padilla.