Tuesday , June 24 2025
PRO3 LUMAHOK SA PNP DISASTER RESPONSE EQUIPMENT INSPECTION Ipinamalas ang kahandaan at pagtugon sa kalamidad

PRO3 LUMAHOK SA PNP DISASTER RESPONSE EQUIPMENT INSPECTION  
Ipinamalas ang kahandaan at pagtugon sa kalamidad

BUONG giting na ipinamalas ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna sa isinagawang Simultaneous Showdown Inspection of the PNP Disaster Response Equipment Capabilities kahapon, 21 Mayo 2025, sa Camp Capt. Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga.

Ang aktibidad ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na layong paigtingin ang kakayahan ng mga ahensiya ng pamahalaan, partikular ng Philippine National Police (PNP), sa pagtugon sa mga kalamidad at krisis, bilang bahagi ng kanyang programang Bagong Pilipinas.

Pinangunahan ni Police General Rommel Francisco D. Marbil, Chief PNP, ang sabayang inspeksiyon na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa upang tiyakin ang kahandaan ng PNP sa pagtugon sa kahit anong uri ng emergency o sakuna.

Sa PRO3, pinangunahan ni Police Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director, ang masusing inspeksiyon ng mga kagamitan at kakayahan ng mga yunit sa ilalim ng kanyang pamumuno. Kabilang sa mga ipinakitang kagamitan ang rubber boats, life vests, medical kits, portable lighting systems, communication equipment, at iba pang mahahalagang gamit para sa search and rescue operations.

Ipinamalas din ng mga sinanay na personnel ng PRO3 ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga disaster response protocols na bunga ng tuloy-tuloy na pagsasanay at paghahanda.

Ayon kay PBGen. Fajardo, “Ang kahandaan ng ating pulisya ay hindi lamang nasusukat sa rami at kalidad ng kagamitan, kundi higit sa lahat, sa kasanayan, disiplina, at dedikasyon ng bawat pulis na handang tumugon sa tawag ng serbisyo — para sa bayan at para sa buhay.”

Ang sabayang inspeksiyon ay bahagi ng inisyatibo ng PNP Critical Incident Management Committee, alinsunod sa temang “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis: Ligtas Ka!” na itinataguyod ni Chief PNP Marbil. Layunin nitong mapalakas ang kakayahan ng pulisya upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad at ng kanilang sariling hanay sa harap ng mga hamon ng kalikasan at sakuna.

Patuloy ang PNP sa pagpapatibay ng kanilang disaster preparedness capabilities, katuwang ang pambansang pamahalaan, bilang bahagi ng mas malawak na layunin na maprotektahan ang bawat Filipino sa panahon ng panganib. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Rogelio Pojie Peñones Jose Melencio Nartatez Jr JEAN S FAJARDO

PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, bagong regional director ng PRO3

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga-Pinangunahan ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez …

Anthony Banayad Granada

Pagkamatay ng missing DLSU law student iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng naunang iniulat …

Fuel Oil

Sa banta ng oil price hike kaugnay ng tensiyon sa Israel vs Gaza at Iran  
Walang delay na fuel subsidy sa PUV drivers ipinatitiyak ni Tulfo sa DOTr at LTFRB

NAGPAHAYAG si committee on public services chairman Senador Raffy Tulfo ng kanyang full support sa …

LPG Explosion

Warehouse ng gasolina sumabog 3 laborer sugatan sa Tondo

SUGATAN ang tatlong construction worker matapos ang insidente ng pagsabog sa loob ng isang warehouse …

Nicolas Torre III Rendon Labador PNP

Fitness instructor itinanggi ng PNP

WALANG kinukuha o pinahintulutan na maging fitness instructor para sa mga physical fitness program ang …