NANGUNGUNA pa rin sa pinakabagong survey ng OCTA Research nitong Marso sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Caloocan City si Incumbent Representative Mitch Cajayon Uy.
Sa tanong na kung ang eleksyon ng Mayo 2025 ay isasagawa ngayon at ang mga sumusunod na indibidwal ay kandidato sa pagka-CONGRESSMAN/WOMAN NG DISTRICT 2 NG CALOOCAN CITY, sino po sa kanila ang inyong iboboto?
57.87% o 135,006 na bilang ng botante ang nagsabing si Rep. Cajayon-Uy ng partidong Lakas ang kanilang iboboto.
34.41% o 80278 na bilang ng mga botante naman ang nagsabing si dating kongresman Egay Erice ng Liberal Party ang iboboto.
Lumalabas na 54,728 ang lamang ni Rep. Cajayon-Uy laban kay Erice base sa Survey.
Habang 7.72% o 18010 na bilang ng botante naman ang wala pang tugon.
Isinagawa ang survey mula Marso 25-29 na kinomisyon ni Junior Gan.
Matatandaan na noong nakaraang Marso ay si Rep. Cajayon- Uy din ang nanguna sa isinagawang Survey ng Social Weather Stations.
Sa kanya namang track record bilang mambabatas noong 19th Congress, nakapaghain siya ng 282 bills kung saan 54 dito ay naging ganap na batas.
Kabilang sa kaniyang pangunahing inakda ang Expanded Centenarian Law at ang No Permit, No Exam Prohibition Act.