Tuesday , September 10 2024
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.
FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

EJKs, ginawang bargaining chip

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

BAKIT ngayon lang lumutang ang napaulat na pagpapahayag daw ng pulis na si Major General Romeo Caramat, Jr., ng kahandaang ibunyag ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa extrajudicial killings noong panahon ng madugong gera kontra droga ni Duterte kapalit ng pagtatalaga sa kanya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP)?

Totoo kaya ito? Well, kung sakali man… ang kagustuhan ni Caramat na maglantad ng katotohanan tungkol sa extrajudicial killings kapalit ng pinakamataas na posisyon sa PNP ay lantaran sa pagiging oportunista at kawalan ng moralidad. Para sa isang police general, hindi ba parang ang sama at nakababahala na ang isang unipormadong alagad ng batas ay mistulang ibina-bargain lang ang hustisya.

Anong klaseng PNP Chief siya, kung nagkataong ini-appoint batay sa prinsipyo ng pagpili sa bagong career bilang kriminal? Salamat na lang at ayon sa mga ulat, tinanggihan daw ni Speaker Martin Romualdez ang indecent proposal na ito at piniling huwag pumatol sa manipulasyong politikal.

Bagamat masasabing dakila ang pagtangging ito ni Romualdez, ang katotohanang may ganitong inialok sa harap niya ay naglalantad sa wala sa hulog na mga prayoridad ng gobyerno, lalo na kung pakakaisiping napakalapit niya sa Presidente.

Dapat na agad na iniulat ng leader ng Kamara sa kinauukulang awtoridad ang alok na ito sa kanya, hindi sapat na basta na lang niya tinanggihan. Ang kawalan niya ng aksiyon ay nagbibigay ng nakapag-aalalang impresyon ng kawalang pakialam sa kaseryosohan ng extrajudicial killings — isang masakit na paalala na hindi ang katarungan ang prayoridad, kundi ang politikal na pakinabang. Tandaan natin na matagal nang may alitan si Romualdez kay VP Sara Duterte-Carpio, kaya partikular na kombinyente ang paninindigang ito para sa kanya.

Anong gagawin ‘pag walang LRT-1?

Kamakailan, iginiit ni President Marcos na ang pagpapatigil ng public transport modernization program, gaya ng iminumungkahi ng ilang senador, ay magbabalewala lamang sa mga naumpisahan na ng programa patungo sa tamang direksiyon. Ngayon, habang naghahanda ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa suspensiyon ng operasyon sa susunod na tatlong weekends para bigyang-daan ang Cavite Extension project, nakatutok ang lahat sa realidad ng pahirapang transportasyon.

               Handa na nga ba tayong alisin sa lansangan ang mga pampasaherong jeepney o ang nakatakdang tigil-operasyon na ito ng LRT-1 ay lalo pang magpapalala sa kawalan ng preparasyon ng pamahalaan sa pagpapatupad ng programa at sa grabeng malaking gastusin ng modernisasyon na hindi naman talaga kakayanin ng sektor ng transportasyon?

Bagamat nangangako ang LRT-1 upgrade ng mas kombinyenteng pagbibiyahe sa hinaharap, magiging malaking kalbaryo muna ito para sa mga pasahero sa ngayon. Sana lang, ganoon din kalakas ang loob ng Department of Transportation (DOTr) sa pag-aalok sa publiko ng ibang paraan sa pagbibiyahe sa kalsada.

               Kung nagtitiwala talaga ang DOTR sa modernisasyong iginigiit nito, dapat ay kompiyansa rin sa pagtitiyak na hindi mai-stranded sa lansangan ang mga pasahero sa importanteng transitions na ito sa LRT-1.

Walang Olympic uniforms?

Congratulations sa ating mga babaeng golfers na sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina sa mahuhusay na performances nila sa Paris Olympics kahit pareho silang bigong makatuntong sa podium.

Tinapos ni Bianca ang kanyang Olympic journey sa ikaapat na puwesto sa pagtatala ng 6-under par total sa four-round 72-hole tourney. Si Dottie naman, nakaiskor ng 4-under 68 sa ikaapat at huling round. Galing!

Marahil, kung nabigyan sila ng Philippine Olympic Committee ng tamang uniforms sa halip na pagastusin sila sa pagbili ng sarili nilang uniporme, at punuin ang parte ng dibdib ng mga patches ng ating Philippine flag, baka mas naging inspirado sila sa paglaban para sa bayan. Nasabi ko lang naman.

                                                                           *         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …