Saturday , April 19 2025
Jillian Ward

Serye ni Jillian nakikiangkas sa ratings ng Showtime?

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISA pang fake news ay ‘yung mga kumakalat na kesyo “nakikiangkas” lamang ang Abot Kamay Na Pangarap sa ratings ng It’s Showtime na napapanood na rin sa GMA.

Simula nang umere ang Abot Kamay Na Pangarap hanggang sa kasalukuyan ay namamayagpag na ito sa ratings game, on its own, na walang “inaangkasan “ o “sinasabitang” show.

Pruweba ang paulit-ulit na extension nito, kasi nga ay wagas ang pagtangkilik ng publiko sa phenomenal serye ni Jillian Ward with Carmina Villarroel, Richard Yap, at marami pang iba.

Ang serye rin ang mas lalong nagpatunay na si Jillian ang isa sa mga prinsesa ng GMA at sa nalalapit na panahon ay malamang taguriang isa na rin sa mga reyna sa Kapuso Network.

Magandang babae, mahusay na aktres, magaling na singer, kaya naman lalong lumalaki ang fanbase ni Jillian.

At ang nakatutuwa pa sa aktres ay sa trabaho, sa kanyang showbiz career siya nakatutok, hindi sa lovelife, kaya naman sa edad 19 ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend.

We heard si Andres Muhlach ay never pa ring nagkaka-girlfriend?

Hmmm. Bagay sila kung sakali.

About Rommel Gonzales

Check Also

Camille Prats

Camille Prats buking ang pagkamaldita

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang hapon ng mga Kapuso dahil sa big …

Kazel Kinouchi

Kazel Kinouchi hindi makawala sa kontrabida role

RATED Rni Rommel Gonzales PAGKATAPOS ng highly successful na Abot Kamay Na Pangarap ay may bago na …

Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …