Saturday , July 27 2024
Arci Munoz Njel de Mesa

Arci Munoz at Direk Njel de Mesa, hataw ang tandem

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAABANG-ABANG ang mga naka-line up na project ni Arci Munoz, tandem ang prolific writer/director na si Njel de Mesa.

Kabilang sa collaboration nila ang dark comedy movie titled Kabit Killer, na co-producer si Arci with NDM Studios. 

Nabanggit ng aktres na nag-pitch ng pelikula sa kanya si Direk Njel at agad silang nag-click kaya nanganak pa ito ng iba pang projects.

Pahayag ng aktres, “Pareho kasi kaming medyo malawak ang imagination. So, noong nag-pitch siya, nag-collaborate kami.  Marami kasi akong 

ideas pero hindi ko alam kung paano ilalatag.

“Sobrang grateful lang ako kay Direk at kay God na lahat ng bagay sumasang-ayon sa kung ano ang gusto ng heart natin.”

Bakit Muse of Philippine Cinema ang tawag ni Direk Njel kay Arci? 

Esplika niya, “Kadalasan kasi si Arci ang nagiging peg naming mga direktor sa aming mga proyekto. Lalo na kapag kailangan ng isang romantic lead na mayroong comedic timing.”

“Madalas din, nagsusulat rin ang mga manunulat ng piyesa na siya ang nasasaisip,” dugtong ni Direk Njel.

Sa ginanap na NDM Grand Mediacon 2023 recently, inilatag ang mga pelikulang ginagawa at nakatakda nilang gawin. Kabilang nga rito ang Kabit Killer

na tinatampukan ni Arci. Ang iba pa ay ang Aberia, starring Gwyneth Dorado, Shaneley Santos, Preet Singh, CJ Ortega, Nicole Dela Cruz, Cyruz Frankie, JM Mendoza, and Renzo Gumatay.

Ang iba pang pelikula ay ang Subtext starring Ciara Sotto, Hannah Arguelles, Ely Cellan, at Paolo Contis, True or False Positive, tampok sina Mayton Eugenio, Neil Coleta & Arnold Reyes, Ghost Informants starring Ynez Veneracion and Nick Banayo, at ang Must Give Us Pause na kinunan pa sa Singapore at tampok sina Cheska Ortega at Shaneley Santos.

Sa Cambodia, Malaysia, Indonesia at sa Filipinas nag-shoot sina Arci at Direk Njel ng Kabit Killer. Ito ay hinggil sa isang hired-woman-assassin na ang 

target ay mistresses from around the globe, na nang pag-uwi ay nalamang ang asawa niya ay may kerida.

Ang pelikula rin ang unang pagsabak ni Arci bilang isang film producer at artistic director.

“Ipinahanap talaga ako ni Direk. He wanted daw to pitch a movie for me. So, ayun, nag-pitch siya sa akin. Iyon, kuwentohan… parang nandoon ako ng lunch hanggang dinner,” kuwento pa ni Arci. 

Mula sa kanilang kuwentohan, nabuo na ang mga proyektong nag-collaborate sila.

Bukod sa pelikula, may upcoming travel show din siya na pinamagatang Arci’s Mundo na parehong ideya nila ni Direk Njel.

Sobrang excited si Arci sa kanyang travel show na ito na isang happy travel and food lifestyle mini-series tungkol sa gastronomic adventures ng aktres, as she travels around the world.

“Sobrang fan din kasi ako ng history, culture and food,” matipid na sambit ni Arci.

Sa tulong ni  Direk Njel, posibleng matupad ang isa pang pangarap ni Arci, ang makapagdirek ng pelikula na malamang ay mangyari raw ngayong taon.

Pahayag ni Arci, “This is just the beginning. I also want to direct after this. I also want to direct a movie and also to co-write with Direk and I’m very grateful, kasi hindi ko naman magagawa iyon kung wala si Direk. I have a very good mentor. I know I am in good hands.”

Ang mga bagong proyekto at pelikula nina Arci at Direk Njel, pati na rin ang travel and food lifestyle series ng aktres ay posibleng mapanood sa mga streaming platforms gaya ng Netflix, Amazon Prime, Solar Entertainment’s Solarflix, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …