Wednesday , March 22 2023

Gomez nakisalo sa liderato kasama 3 GMs

MANILA — Nakapuwersa si Filipino Grandmaster John Paul Gomez sa four-way tie matapos maitala ang crucial third-round victory sa MCPL’s Manny Pacquiao International Open Chess Festival sa General Santos, Miyerkoles, 14 Disyembre.

Nakaungos si Gomez kontra kay International Master Michael Concio, Jr., sa 56 moves ng Guioco Piano Opening para makisalo sa top spot kina fellow three pointers GMs Hovhannes Gabuzyan ng Armenia, Lucas van Foreest ng Netherlands, at Pier Luigi Basso ng Italy sa event kasabay ng pagdaraos ng ika-44 kaarawan ni chess patron at boxing legend Manny Pacquiao sa Sabado.

Si Gomez, ang 37-anyos country’s best scorer at undefeated seven points out of 10 games sa World Chess Olympiad sa Chennai, India sa taong ito ay ipinakita ang kanyang malawak na kaalaman sa opening at superb endgame technique para manaig sa 17-anyos na si Concio.

Sa panalo ng Biñan, Laguna native, napalakas ang kanyang tsansa sa nine-round tournament na may pabuyang P1.14 milyon sa eventual titlist pinakamalaking premyo sa kasaysayan.

Panalo rin si Gabuzyan kay American IM John Daniel Bryant; umibabaw si van Foreest kay Russian Konstanin Sek; at panalo si Basso kay Filipino IM Kim Steven Yap.

Nakabuntot na may 2.5 points, pinangunahan ni FIDE Master Alekhine Nouri na binasura isi Jeriel Manlimbana.

Sina GM Darwin Laylo, GM Vitaly Sivuk of Sweden, GM Joey Antonio, IM Cris Ramayrat, IM Rolando Nolte, at FM Jeth Romy Morado ay magkakasama sa 2.5 pointers.

Nagpatuloy ang mala-Cinderella story ni Panabo City wonder boy at Dasmariñas City, Cavite resident, 13-anyos na si National Master Christian Gian Karlo Arca matapos manaig kay ninth seed IM Dragos Ceres ng Moldova sa opening round nitong Martes na sinundan ng magkasunod na tabla kina Ramayrat at IM Chito Garma para umakyat sa huge group ng two points. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …