Friday , June 2 2023
arrest posas

Pedicab driver arestado sa sumpak

HIMAS-REHAS ang isang pedicab driver matapos maaktohan ng mga pulis na may bitbit na isang sumpak habang gumagala sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Rolly Tolentino, 26 anyos, residente sa Sitio 6, Brgy. Catmon.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego Ngippol, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 2 sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog dakong 12:00 am nang maaktohan nila ang suspek na gumagala sa lugar at may bitbit na improvised gun o sumpak.

Nang sitahin ng mga pulis, hindi pumalag ang suspek kaya’t kaagad siyang inaresto at kinompiska ang dalang sumpak na kargado ng isang bala.

Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa piskalya ng lungsod ng Malabon. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …