Friday , June 2 2023
shabu drug arrest

Sa Valenzuela
ONLINE CASINO AGENT KULONG SA P.1-M SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang online casino agent matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Lt. Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang naarestong suspek na si Niño Nicanor Faustino, Jr., 42 anyos, online casino agent at residente sa P. Faustino St., Brgy., Punturin ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura, Jr., dakong 3:30 am nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangungun ni P/Lt. Aguirre ng buy bust operation sa bahay ng suspek matapos ang natanggap na impormasyon na nagbebenta umano ng ilegal na droga.

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon sa suspek ng P7,500 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

Nakompiska sa suspek ang limang heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng halos  23 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P156,400, marked money, isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money at cellphone pouch.

Kasong paglabag sa Section 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …