Sunday , November 16 2025
Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang bagong nakilala mula sa bar. Wala siyang ideya na impiyerno ang kasunod nito!

Ang bagong pelikula nina Sean de Guzman at Cloe Barreto na palabas na sa Vivamax ngayong August 12 ay hindi dapat palagpasin. Titled The Influencer, ito ay mula sa pamamahala ng award-winning director na si Luisito Lagdameo Ignacio.

Tiniyak ni Sean, ito ang pinaka-daring na nagawa niyang pelikula. “Mas daring pa sa daring… Ito na siguro ang pinakamalalang pelikulang nagawa ko, malala as in malala talaga… pinaka-grabe! As in ibinigay ko na ang lahat, kasi ang ganda ng istorya eh, kasi hindi mo inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng istorya.”

Si Sean ay gumaganap bilang Yexel, isang sikat na social media influencer. Lagi siyang pumpunta sa bar para maka-pick up ng babae. Isa na roon si Nina (Cloe), na mula sa bar ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa at nakasiping niya ito. Iniyabang pa ni Yexel na nakatikim siya ng “best sex” kasama ito.

Nang tawagan siya ulit ni Yexel, pinaniwala niya ang sarili na boyfriend na niya ito. Naging stalker siya ni Yexel at nagagalit tuwing nakikita niya ito na may kasamang ibang babae. Kahit anong pagtataboy ni Yexel kay Nina ay hindi ito natinag.

Ano ang kayang gawin ni Nina para tuluyang mapasakanya si Yexel?

“Dito, umabot sa nagkaletse-letse na ang buhay ni Yexel simula nang dumating ang babaeng iyon (Nina) sa buhay niya. Kaya sobrang lala talaga ang nangyari sa mga character na kasama rito,” kuwento pa ni Sean.

Ito ang ikalawang pelikula ni Cloe na isinulat ng kaibigang si Quinn Carrillo, na writer din ng Tahan. Mapapanood ang The Influencer sa Vivamax ngayong August 12, 2022.

Produced by 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy, tampok din dito sina Ms. Elizabeth Oropesa, Karl Aquino, Calvin Reyes, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Tiffany Grey, at Quinn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

AFAM Wives Club

AFAM Wives Club reality series ukol sa pag-ibig at makabagong Filipina

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAIINTRIGA ang bagong handog ng iWant, katuwang ang Project 8 Projects, ang bagong reality …

Richard Gutierrez Ivana Alawi

Richard walang arte kahit dugyot ang hitsura; saludo kay Ivana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINUPURI ng karamihan ang pagiging propesyonal ni Richard Gutierrez pagdating sa tabaho. Mula …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

Stephan Estopia Kiray Celis

Kiray Celis, nilinaw nag-viral na photo sa Japan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NILINAW ng aktres-entrepreneur na si Kiray Celis ang nag-viral na …

Waynona Collings Princess Aliyah Reich Alim Fred Moser

Unang eviction night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0 ngayong Sabado na

RATED Rni Rommel Gonzales IPINAKILALA noong Linggo ang unang mga nominado ng Pinoy Big Brother Celebrity …