Friday , June 2 2023
marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, kasama ang construction worker na kabilang sa list ng TXT JRT nang maaresto sa buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Andrei Reyes, 22 anyos, nasa talaan ng mga tulak, construction worker residente sa A. Cruz St., Brgy. Tangos South, at Jayson Noriega, alyas Nognog, 37 anyos, user, ng Block 33, Lot 44, Phase II, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 11:45 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo Jr., kasama ang TMRU sa pangunguna ni P/Lt. Gregorio Cueto, Sub-Station 2, at Intelligence Section ng buy bust operation sa B. Cruz St., Brgy. Tangos North, nang matanggap ang impormasyon hinggil sa pagbebenta ng marijuana ni Reyes.

Nang tanggapin ni Reyes ang P6,000 marked money mula sa isang pulis na umakto bilang poseur-buyer kapalit ng isang transparent plastic bag ng marijuana ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Noriega na nakuhaan din ng hinihinalang marijuana.

Nakompiska sa mga suspek ang halos 1,500 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, may standard drug price na P180,000, buy bust money na isang tunay na P1,000 at limang pirasong P1,000 boodle money, eco bag, digital weighing scale, cellphone, at P500 recovered money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangrous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …