Friday , June 2 2023
Rocco Nacino Sanya Lopez RocSan

RocSan fans aalagwa sa First Lady

RATED R
ni Rommel Gonzales

DALAWANG bagong karakter ang dagdag sa cast ng First Lady na karugtong na serye ng phenomenal na First Yaya na pinagbidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Ang mga ito ay sina Alice Dixson at Rocco Nacino.

Na-link na dati sina Sanya at Rocco na nagkasama noon sa Encantadia (2016) at sa Haplos (2017).

Kaya naman hindi naiwasang tanungin si Sanya kung hindi ba sila magkakailangan ni Rocco sa taping ng First Lady.

Ayon kay Sanya, masaya siya na nagkatrabaho silang muli ni Rocco at wala namang  anumang isyu sa kanila.

“I’m very excited na makatrabaho si Rocco, kasi medyo matagal-tagal na rin kaming hindi nagkasama.

“Marami naman po kaming teleserye na ka-partner ko po si Rocco. Excited po kami noong nagkita sa GMA New Year countdown last time. Hindi namin alam na magkatrabaho kami rito, until heto na nga po.

“Thank you, Rocco, dahil tinanggap mo si Mayor Valentin, and excited kami. Kasi mayroon din kaming fans before, talagang nakaabang sa amin until now. And excited kung ano ang magaganap sa amin ni Rocco dito sa ‘First Lady.’”

Kinailangan bang magpaalam muna si Rocco sa misis niyang si Melissa Gohing?

“Kung hindi po siya supportive, wala po ako rito,” pahayag ni Rocco tungkol sa paghingi ng permiso sa kanyang asawa. “Hindi ko po tatanggapin ito. Kasi inirerespeto ko rin po kung ano ‘yung nararamdaman niya.

“She’s very supportive, at alam niyang trabaho, trabaho. Kilala naman niya si Sanya.

“Wala namang problema, and actually she’s excited for me na makapasok ako sa serye na ito.”

Sinabi pa ni Rocco na tiyak na matutuwa ang mga supporter ng kanilang loveteam noon.

“Mabubuhay ang RocSan fans,” bulalas pa ni Rocco na gaganap bilang Mayor Valentin.

Sa February 14 na magsisimula ang First Lady  sa GMA.

About Rommel Gonzales

Check Also

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, TVJ

TVJ sa TV5 na mapapanood 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASADO na ang  paglipat ng iconic show nina Tito, Vic, at Joey sa TV5. At ang …

ABS-CBN Kapamilya Online Live

3 Primetime shows ng ABS-CBN winasak viewership record sa KOL

NAGTALA ng panibagong all-time high online viewership record ang tatlong primetime shows ng ABS-CBN sa loob lamang …

Misha de Leon

Misha de Leon naglabas ng debut single 

NAGLUNSAD ng debut single ang dating Idol Philippines season 2 contestant na si Misha De Leon, ang Damdamin.  Ang …

Ogie Diaz Liza Soberano Enrique Gil

LizQuen hiwalay na

KINOMPIRMA na ng dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na hiwalay na ito kay Enrique Gil. Sa Showbiz …

Moira dela Torre Parents Lolito Go

Lolito at mga magulang ni Moira nagkaiyakan 

HINDI pa tapos ang pagpapahayag ng kani-kanilang saloobin ukol sa binuksang usapin ni Lolito Go kay Moira. Pagkatapos …