Friday , July 26 2024

Isko, kayod kahit madaling araw

NAGSAGAWA ng sor­presang inspeksiyon si Manila City Mayor Fran­cisco “Isko Moreno” Do­magoso nitong Linggo ng madaling araw sa paligid ng Andres Bonifacio Shrine sa Lawton kasu­nod ng isinagawang paglilinis sa nasabing dambana ni Gat Andres Bonifacio at liwasan sa paligid nito.

“About one week ago, punong-puno po ito ng mga nakasementong bahay, banyo, tindahan, for six years nanatili sila rito,” wika ni Domagoso.

“Ang linis-linis na. Hindi na rin mapanghi. Wala nang tae,” dagdag niya. “Bagong pintura na rin (ang bantayog ni) Emilio Jacinto.”

Matatandaang naka­ta­pak ng dumi ng tao si Isko habang ininspeksiyon niya ang paligid ng monu­mento kamakailan.

Siniyasat din ni Domagoso ang mga bagong instilang Capiz lanterns sa mga puno sa paligid ng parke.

“Ang ganda ng mga ilaw. Hindi ka na kakabahan (kapag maglalakad dito),” wika ni Mayor.

Nakiusap naman si Isko sa mga pumapasyal sa naturang lugar na huwag mag-iwan ng kanilang mga basura o pinagkainan at iwasang magkalat.

“Nakalulungkot lang, itinatapon nila ‘yung basura nila kung saan saan, pero we’ll still continue to clean it,” dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *